Chapter 24

2.3K 51 0
                                    

Biglang nag iba ang atmosphere dahil sa sagot ng anak ko. Hindi ako makatingin ng diritso sa tatlong tao na nasa harapan ko. Sinuklian ko ng keming ngiti si nanay ng lingunin niya ako. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at awa sa kanyang apo.

Masakit. Kasi ganyan rin ako noon kapag tinatanong nila ako tungkol sa tatay ko. Ang palagi kong sagot;wala akong tatay. Kinain ko lang rin ang mga sinabi ko noon na hindi ko hahayaan na magaya sa akin ang anak ko, pero ano ngayon ang kalagayan niya, inulit ko lang sa kanya na lumaki siya na  hindi nakilala ang ama.

Lumaki siya na matalinong bata. Siguro nang magka isip niya naintindihan na niya kaagad kung bakit hindi namin kasama ang tatay niya. Ni minsan hindi siya nag tanong sa akin kung sino ang tatay niya, kung ano ang pangalan niya, kung bakit hindi namin siya kasama, kung bakit ang pamilya niya hindi katulad ng ibang mga bata na mayroong tatay.

Hindi rin naman ako manhid para hindi makita at maramdaman na gusto niyang malaman ang tungkol sa tatay niya. Masama na ba akong ina kung nagpapasalamat ako na hindi siya nang usisa? Kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kung sakaling magtanong siya. Na isa siyang bunga ng isang gabing padalos-dalos na desisyon ko sa buhay kaya siya nabuo.

Kagaya ni nanay, wala rin akong maisagot sa kanya tungkol sa tatay niya. Ngunit bilang isang ina niya, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi niya maramdaman na kulang ang mga magulang niya. Tumayo ako bilang ina at ama niya. Subra-subrang pagmamahal ang ibinigay ko sa kanya. Pinalaki ng maayos, inalagaan.

Nag angat siya ng mukha nang ayosin ko ang pagkain niya na hindi na niya ginalaw. Nag init ang sulok ng mga mata ko nang makita ang namumula niyang mga mta, pinipigalan ang maiyak. Mahal na mahal ko ang batang ‘to. Ngunit may mga bagay talaga na hindi maging sapat ang pagmamahal ko upang mapunan ang pangungulila niya sa kanyang ama.

“It's okay,” nabaling ang tingin ni Zaylon kay Isabella. “Pwede mo naman maging daddy ang Daddy Javier ko. At ang Daddy Ethan ko pati narin si Daddy Enrico. Oh! I'm sorry Daddy Javier. Don't worry ikaw lang ang number one daddy ko," aniya at nagpa cute sa ama.

" Ang daldal mo anak, " saad ni Janice." Mana ka sa tatay mo. "

" Syempre, " proud na sambit ni Javier, kumikinang ang mga mata..

Tumikhim si Jake at nilingon ang kapatid niya." You sure? "

Biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Javier. "Tumahimik ka kung ayaw mong basagin ko yang bungo mo.

" Ayan na naman kayong dalawa. May mga bata,” pagalit na saway ni Janice sa dalawa. “ Pasensya na ho, nay, Liel. Ganyan talaga yan sila.”

Kahit wala akong gana pinilit ko paring kumain. Nakisali na rin sa usapan ng mga bata si nanay. Si Janice sinasaway ang asawa dahil hindi parin nawala ang hindi maipaliwanag na ekpresyon sa kanyang mukha. Si Ethan, tahimik lang na kumakain, pasulyap-sulyap ang tingin sa akin at kay Zylon na nasa tabi ko.

Naiilang ako. Hindi ba niya naisip na katabi namin si nanay? Ang halata niya masysado. Itinuon ko na lang ang buong atensiyon ko kay Zaylon. Ang liit ng bawat subo niya ng pagkain, hindi naman siya ganito sa bahay. Msarap naman ang ulam at paborito niya pa.

“Gusto mo sa jollibe kumain?” maya-maya na tanong ni Isabella.

Napakamot sa ulo ang anak ko.” Hindi ako kumakain sa jollibe.”

“Why?”nagtataka na tanong ulit ni Isabella.

“Mas gusto ko yung chicken joy na luto ni mamay.”

Namilog ang mapulang labi ng bata. “Tita, pwede niyo rin ba ako lutuan ng chicken joy? Gusto ko po matikman.”

“Anak, ako nalang magluto para sayo,” saad ni Jnice sa anak.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon