Chapter 6

3.8K 64 1
                                    

“Kuya, pwede ba maki-awit d’yan?” Tanong ko kay kuya na naka assign sa mga appliance's.

“Sige ba.” Aniya at inabot sa akin ang mikropono.

Ilang taon na ba noong huli akong humawak ng mikropono? Sa tagal ng panahon na lumipas hindi ko na tanda kung kailan ko ito huling nahawakan.

Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa mop na araw-araw kung kasama at doon kumuha ng suporta. Nanibago ako. Makaraan ang anim na taon wala ng ibang tao na nakarinig sa boses ko na kumakanta. Matapos ang operasyon ni nanay tumigil na ako sa pagkanta at ngayon lang ako ulit sumubok muli.

Habang kumakanta ako, may mangilan-ngilan na tao ang napapatigil upang panoorin ako. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang bawat lyrics ng kanta. Memories from the past flashback on me. Music heals buts sometimes lyrics kills. Kaya ako tumigil sa pagkanta matapos ang araw na iyon dahil sa bawat bigkas ko ng aking awitin, sumasagi siya sa isipan ko. . . Ang isang tao na nagbago sa buhay ko. . A one night mistake that changed my life forever that I couldn’t escape.  

Pagmulat ng aking mata. I stiffen. Nanlamig ang buong katawan ko nang magtagpo ang aming mga mata ng lalaking matagal nang hu-ma-hunting sa isipan ko. Patuloy parin ako sa pagkanta hindi inalis ang tingin sa kanya. Ang lupit naman ng tadhana, sa laki ng mundo, sa dinarami-rami ng lugar, dito ko pa talaga siya makita.

Kagaya ko, mukhang nagulat rin siya. Nakatayo parin siya sa tapat ng hagdan kung saan siya huminto. Ang laki ng pinagbago ng katawan niya. Mas lumapad ang kanyang balikat. Bakat na bakat ang malaki niyang dibdib na halatang alaga sa gym. Naging matured ang kanyang mukha pero lumalabas parin ang taglay niyang magandang lalaki. And his lips. . . dang! Bakit ang kisable at ang sarap. . . Mabilis akong umiwas ng tingin. Mabuti nalang at tapos na ang kanta. Nagpalakpakan ang mga tao may humirit pa na isang kanta pa. HIndi ko sila pinansin at nagmadaling umalis palayo doon. . . palayo sa lalaking kahit ilang taon na ang lumipas ayaw parin mawala sa isipan ko.

Hinihingal na sumandal ako sa pader pagkapasok ko sa diswashing area. Kinapa ko ang magkabilang pisngi ko na hanggang ngayon ramdam ko parin ang init doon. ANg puso ang bilis ng tibok niya na para bang kakapusin ako ng paghinga. Piniling ko ang aking ulo. Huminga ako ng malalim, paulit-ulit hanggang sa bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.

“MAtagal na panahon na iyon, Yanie. ‘Wag kang umasa na kilala ka pa niya. Isang gabi lang kayo nagsama, nagkakilala, parausan ka lang niya, bayaran kaya ‘wag kang mag-assume na natatandaan ka pa niya,” kastigo ko sa aking isipan.

Ang lalaki na tinutukoy ko at nakita ko kanina walang iba kundi si Ethan; ang lalaking naka one night stand ko, ang lalaking hindi mawala-wala sa buong sistema ko at pati sa isip ko hindi siya mabura.

“Lil, overtime ka?” Tanong ni Ann na kakapasok lang.

“Hindi, bakit?”

“Kanina pa nag out ang first batch, hindi mo ba narinig ang pag announced ng oras?”

Natampal ko ang aking noo. “Naka idlip ako, hindi ko narinig,” pagdahilan ko. “Mauna na ako. Ba-bye.”

Kumaway siya sakin pabalik. Shit! Kasalanan ‘to ni ano eh. LAkad-takbo ang ginawa ko paakyat sa 3rd floor, natatakot na baka noroon pa siya at baka makasalubong ko siya. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa screening area na hindi siya nakita.

Patakbo kong inakyat ang hagdan papunta sa locker. Inilugay ko ang aking buhok. HInubad ko ang black shoes na suot ko at nagpalit ng tsinelas. Sinuot ko ang jacket at dinampot ang hand bag saka tumalima paalis.

Sana, hindi na magtagpo ulit ang landas naming dalawa.

_______

Inaantok pa ako na pumasok sa trabaho. Paano kasi, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pesteng lalaki na iyon na bumabagabang sa isipan ko magdamag. Isang oras lang yata ang tulog ko at nagising ako sa tunog ng alarm clock. 6:30 ang pasok ko sa trabaho, pero dahil may kalayuan ang bahay namin alas sais palang nakagayak na ako. Sayang ang kaltas sa sweldo kapag na late kahit isang minuto lang.

One Night Mistake(Montefalco Series #2:) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon