Kabanata 25

231 10 0
                                    

Nagising akong tahimik na sa labas. Nauna na ako sa kanilang matulog. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. One-thirty na ng madaling-araw. Ibinalik ka ang cellphone sa sling bag. Pinilit kong matulog muli, pero hindi na ako makatulog. Tiningnan ko si Nanay Gloria na mahimbing na natutulog sa akong tabi bago ako bumangon at dahan-dahang nag-lakad papunta sa labas ng kwarto.

Batangas kong maliwanag sa sala nang bumaba ako ng hagdan, nalimutan sigurong patayin ang ilaw. Nagpunta ako sa likod ng bahay kung saan sila nag-inom kanina. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nag-sisilbing liwanag at huni na lamang din ng kuliglig ang maririnig.

Naupo ako sa pinakaunang upuan at ninamnam ang lamig ng hangin. Tumingala ako, ang daming bituin sa langit. Ang sarap mag-star gazing.

Itinaas ko ang aking mga paa sa upuan at niyakap ang mga binti ko. Isinubsob ko ang mukha ka sa tuhod ko. Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon nang naramdaman kong gumalaw ang upuan sa may  gilid ko at may naupo doon. Dahan-dahan kong tiningnan kung sino iyon.

Si Ben! Akala ko tulog na din siya!

"Malamig dito sa labas." Sabi niya habang nakatitig sa akin. "Di ka ba makatulog?"

Hindi ako sumagot. Umiwas ako nang tingin sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas, walang nag-sasalita sa aming dalawa.

Nilingon ko siya sa pag-aakalang naka-tulog na siya.

Nakatitig siya sa akin. Nababasa ko sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin.

Tumayo ako at umambang aalis nang mabilis siyang tumayo at humarang sa daraanan ko.

"Ano? Iiwas na naman?!"

"Babalik na ako sa loob. Matutulog na ako." Inis na sagot ko.

Hindi siya umalis sa harapan ko. "Mag-usap muna tayo."

"Wala na tayong dapat pag-usapan." Sagot ko at nilampasan ko siya.

"Anong wala?! Lara naman! Ilang buwan mo na akong iniiwasan!"

"Dapat alam mo na kung bakit ako umiiwas sayo!" Naka-tatlong hakbang pa lamang ako nang hinawakan niya ako sa braso at hinila ako. "Ano ba!? Bitiwan mo nga ako!".

Isinandal niya ako sa isang puno. Hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko.

"Hindi pa ba malinaw sayo ang ibig no'n. Ayoko na sayo!"

Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. "Sinungaling..."

"Bitiwan mo ko..." Pinipilit kong alisin ang mga braso niya. Ang isa ay nakayakap sa bewang ko, at ang isa naman ay sa batok ko. Naka-subsob ang mukha ko sa dibdib niya. Naamoy ko ang pinaghalong alak at pabango sa kanya.

"Ayoko." Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. "Baka tuluyan ka nang mawala sa akin 'pag binitiwan kita."

"Sa tuwing nakikita kita..." May kung anong kumirot mula sa puso ko. "Na-aalala ko ang lahat nang nangyari. Gusto ko nang kalimutan lahat 'yon."

Halos isang minuto din ang nakalipas bago siya nag-salita.

"Kasama rin ako sa gusto mong kalimutan?" Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"O-oo." Halos pabulong kong sinabi.

Lumuwag ang pag-yakap niya sa akin. Bago niya ako bitawan ay hinalikan niya ang noo ko at tinalikuran ako. "Tang-ina..." Mura niya.

"Makakalimutan mo rin ako..." Hindi sumagot si Ben at nanatiling naka-talikod sa akin.

Kahit medyo madilim at nakatalikod siya sa akin ang ay naaninag kong pinupunasan niya ang kanyang mukha.

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon