Ikinuwento ni Aldritz ang nangyari. Galing si Ben rito sa ospital ng mangyari ang aksidente. Mabilis ang pagpapatakbo niya sa motor niya. Hindi niya napansin ang truck na paliko mula sa kanto. Nabangga siya.
Nasa ICU siya ngayon at walang malay.
Gusto ko siyang puntahan. Pero ayaw ni Brylle. Siya ang nagbabantay sa akin ngayon. Saka na lang daw ako dumalaw kapag kaya ko na.
Parang nagbago ang ihip ng hangin. Kanina galit na galit siya pero ngayon ay okay lang sa kanya na dalawin ko si Ben.
Umuwi na sila Ayeen at Maddie. Para magpahinga. Hindi na ako nagtanong sa kanila kung bakit sila lumabas kanina. Alam ko nang pinuntahan nila si Ben, kahit hindi nila sabihin.
Nagpaalam na rin sila Aldritz sa akin, pagkatapos makipag-usap kay Brylle. Pupuntahan daw nila si Ben.
Sana ay okay lang siya. Bumuntong-hininga ako.
"Okay lang si Ben. 'Wag mo siyang isipin. Baka kung mapa'no ang baby." Sabi ni Brylle sa akin.
"Sigurado kang okay lang s'ya?"
"Matibay 'yon. Ilang beses na 'yong na aksidente sa motor, pero buhay pa rin. Immune na 'yon sa sakit." Parang hindi na-aksidente si Ben kung magsalita si Brylle. Sinasabi lang niya siguro sa akin iyon para hindi ako mag-alala.
Pero sabagay, ilang beses na ngang na-aksidente si Ben noon sa karera ng motor pero, makalipas ang ilang araw ay okay na siya.
Sana ay okay lang talaga siya...
Kahit ikasal pa siya sa iba. Basta gumaling lang siya...
Pumasok ako sa kwarto ni Ben. Si Mikee ang naabutan kong nagbabantay sa kanya.
"Kaya mo na ba?" Sinalubong ako ni Mikee.
"Kaya ko na." Tiningnan ko si Ben.
Sabi ni Brylle ay okay lang siya. Pero, hindi pala. Comatose siya. Kanina ko lang nalaman kay nanay Gloria nang dinalaw niya ako kanina bago sila umuwi. Kasama niya si tiyo Dado at tiya Charito.
Lumapit ako sa kama niya at naupo sa upuan na katabi ng kama.
"Lalabas lang ako saglit, Lara. Nagugutom na ako, e. Bibili lang ako ng pagkain." Sabi ni Mikee habang kinukuha ang wallet niya sa bag.
"Sige." Sinundan ko nang tingin si Mikee hanggang sa makalabas siya ng kwarto.
Bumuntong-hininga akong tiningnan si Ben. May benda ang kanyang ulo at sa dibdib. May gasgas siya sa mukha at braso.
Iniiwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko kayang makita siyang walang malay at hindi alam kung kailan gigising.
Hinawakan ko ang kamay niya at iyon na lamang ang tiningnan. "Gumising ka na. Kawawa naman ang baby ko. Gusto niya ng mangga, 'yong galing sa puno nila Jet." Hindi ko mapigilang umiyak.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. "Ikakasal ka na pati 'di ba? Kawawa naman si Iris." Bumuntong-hininga ulit ako. "Kung pwede lang na agawin kita sa kanya at bumalik ka sa akin. Kahit na ako na mag-alok sayo na pakasalan mo 'ko..." Tumulo muli ang luha ko. "Hindi mo naman papakasalan si Iris kung hindi mo siya mahal. Kinalimutan mo na talaga ako. Sabagay, kasalanan ko naman, inuna ko ang galit. Hindi ko inisip na masasaktan ka." Isinandal ko ang ulo ko sa gilid ng kama habang hawak ko ang kamay ni Ben. "Mahal na mahal pa rin kita."
Sa bahay ni tito Arthur ako umuwi simula nang umuwi ako, mag-iisang buwan na.
Ayaw akong payagan ni Brylle na mag-isa sa apartment ko. Pinag-reresign na rin niya ako sa trabaho. Baka mahirapan daw ako. May umbok na ng konti ang tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...