"Nandito ulit ako." Ibinaba ko ang isa sa mga dala kong bulaklak sa ibabaw ng puntod ni Mama at ang isa ay sa ibabaw ng puntod ng baby ko.
Baby Angel
Ipinalagay siya ni Brylle sa tabi ni Mama. Kahit na hindi pa siya buo.
Nagsindi ako ng dalawang kandila at itinirik sa ibabaw ng puntod nila. Isang beses kada isang linggo, nagpupunta ako rito.
Naupo ako sa ilaim ng puno na nasa tabi ng puntod nila Mama at Baby Angel.
Sabi sa akin ni Brylle, maswerte pa rin raw ako, nakasama ko si Mama ng ilang taon. Samantalang siya, baby pa lang noong nagkasama sila. Naulit lang nang nagkasakit siya, ilang buwan lamang.
Noong araw na lumipat ako sa bahay ni Tito Arthur. Ikinuwento niya sa akin ang love story ni Mama at Papa. Nagkakilala ang dalawa dahil sa kanya. Mag-kaklase si Mama at Tito Arthur noong college. Nagkaroon sila ng group project at sa bahay nila Tito Arthur sila gumawa noon. Nang makita daw ni Papa si Mama, na love at first sight daw si Papa kay Mama. Simula noon, lagi na daw dinadalaw ni Papa si Mama sa bahay nila. Hatid-sundo pa sa school. Dahil sa mabait naman daw si Papa at gwapo pa. Sinagot siya ni Mama. Two months pa lang ang relasyon nila nang mabuntis si Mama. Nang nalaman ng mga magulang ni Mama na buntis siya, hindi pumayag ang mga ito na hindi pakasalan ni Papa si Mama.
Nagpakasal sila sa huwes. Noong una maganda ang takbo ng relasyon nilang dalawa hanggang sa ipinanganak si Brylle. Nagsimula nang magbago si Papa... Natuto siyang mambabae. Nag-away sila at lumayas si Mama. Iniwan niya si Brylle kay Papa. Umuwi si Mama sa mga magulang niya. Nang malaman ni Mama na ipinagbubuntis na niya ako noon, binalak niyang umuwi kay Papa, pero pinigilan siya ng mga magulang niya. Hanggang sa naipanganak ako, umuwi siya kay Papa at Brylle. Pero huli na, may bago ng kinakasama si Papa. Akala niya hindi totoo ang tsismis na ibinahay na nito ang babae niya... pero totoo pala. Ibinalik ni Papa ang kwintas na regalo sa kanya ni Mama noon. Ang kwintas na nasa akin ngayon at tuluyan na silang naghiwalay...
Nagkaroon sila ng kanya-kanyang buhay... Kanya-kanyang pamilya...
Si Papa... sabi ni Brylle, hanggang ngayon sila pa rin daw noong babaeng ipinalit niya kay Mama. Hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon...
Si Mama... alam kong masaya na siya, kasama ng baby ko...
Si Brylle naman, si Tito Arthur na ang nag-alaga sa kanya simula noong namatay si Mama. Ayaw niya sa asawa ni Papa. Kaya pala pamilyar siya sa akin, maraming beses na pala siyang pumunta sa restaurant ni Papa Jerry noon. Maraming beses na sinubukan niyang kausapin ako at magpakilala pero laging inuunahan siya ng takot.
Nagkabati na rin sila ni Ben. Hindi ko nga lang alam kung paano. Lagi kasing pumupunta sa bahay si Ben. Minsan kasama sila Mikee, Maddie, Ayeen at Jeannie. Minsan ipinatatawag nila ako kay Ate Cherry, hindi ako lumalabas. Nagkukunwari na akong tulog. Ayaw ko munang makipag-usap kahit kanino at magkunwaring masaya... na okay lang ang lahat...
Ibinababa ko ang aking sling bag sa damuhan. Sumandal ako sa katawan ng puno. Ipipikit ko sana ang mga mata ko ng may naramdaman ako na dumaan sa may gilid ko. Dire-diretso itong nag-lakad sa puntod nila Mama at Baby Angel. Ibinaba niya ang mga dala niyang bulaklak bago tumingin sa akin.
Gusto ko sana siyang tanungin kung anong ginagawa niya rito, hindi ko na lang itinuloy. Naalala kong siya nga pala ang tatay ng anak ko.
Timikhim muna siya bago nag-salita. "Kanina ka pa ba dito?"
Umiwas ako nang tingin sa kanya. Hindi ako sumagot at nagkunwaring hindi ko siya narinig.
"G-gusto mo bang sumama sa'men? B-birthday namin ni Mikee." Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...