Kabanata 23
"Kamusta ang pakiramdam mo, anak?" Nilingon ko ang nagsalita. Si Nanay Gloria, nakaupo siya sa upuan na nasa gilid ng kama. Inilibot ko ang aking mata, nasa loob ako ng isang puting kwarto.
Naalala ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Napabalikwas ako ng bangon.
"Dahan-dahan, 'nak! Mahiga ka muna."
Hindi ko siya sinunod. Naupo ako sa kama.
"Gusto mo na bang kumain?"
Umiling ako. Hinawakan ko ang aking puson.
"B-bakit 'di mo sinabi sa akin na buntis ka, 'nak?"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Nanay. "H-hindi ko po k-kasi..." Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kanya. "N-nalaman ko lang po... n-noong bago ko po kayo puntahan sa palengke... G-gusto ko nga pong sabihin sa inyo. N-natatakot po ako... B-baka magalit po kayo sa'ken..." Napatingin ako sa bumukas na pinto. Pumasok si Tiya Charito.
"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?" Lumapit siya sa kama. "Nagugutom ka ba?"
Hindi ko sinagot si Tiya. Tumingin akong muli kay Nanay. "N-Nay... 'Yung baby ko... O-okay lang po siya, 'di ba?"
"L-Lara..." Kinabahan ako. Sa tono pa lang ng kanyang boses. Kahit hindi niya sabihin. Nahulaan ko na.
Wala na ang baby ko...
Tumulo agad ang mga luha ko.
"N-nak." Niyakap ako ni Nanay. "May dahilan siguro ang Diyos kaya Niya kinuha agad ang baby niyo ni Ben."
"Pakainin kaya muna natin s'ya, 'teh. Kahapon pa ata syang hindi kumakain." Sabi ni Tiya.
"H-hindi po ako nagugutom, Tiya."
"Nak." Binitawan ako ni Nanay. Pinunasan niya ang mga luha ko sa akin magkabilang pisngi. "H-hindi ko alam kung ga'no kasakit ang nararamdaman mo... 'Di ko rin alam kung pa'no mapapagaan ang bigat nararamdaman mo... Nandito lang ako. Kami ng Tiya Charito mo-" Napatigil si Nanay sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto. Napatingin kaming tatlo doon.
Pumasok si Brylle. May mangilan-ngilan siyang sugat at pasa sa mukha. Naalala ko ang mga sinabi kahapon ni Kenneth nang makita ko siya.
May kasama siyang lalake. Tingin ko ay kasing edad siya ni Tiyo Dado. Ngumiti ito ng tipid sa akin. Hindi ko siya nginitian pabalik. Pinunasan ko ang mga luha ko sa aking magkabilang pisngi.
"Isasama niyo na ba si Lara, 'pag labas niya dito sa ospital?" Tanong ni Tiya Charito sa dalawang lalake.
"Chato..." Saway ni Nanay kay Tiya.
"Ate, nagtatanong lang naman ako!" Tumingin si Tiya sa lalake. "Hindi ba pwedeng saka niyo na lang sabihin, baka mabigla si Lara. Alam niyo naman siguro kung anong nangyari sa kanya?"
"Charito, hayaan mo na sila." Saway ni Nanay. "Anak lalabas lang kami saglit, a. Pupuntahan namin si Ben sa kabilang kwarto." Hinila agad niya palabas si Tiya na parang may gusto pang sabihin.
"Kamusta na ang pakiramdam mo, iha?" Tanong sa akin ng kasama ni Brylle.
Hindi ako sumagot at tiningnan ko lamang siya.
Naupo siya sa gilid ng kama bago nagsalita muli. "Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagpakita sayo... Alam kong hindi ngayon ang tamang oras na magpakilala ako, kami... Dahil sa nangyari sayo kahapon... Pero kung hindi ko ngayon sasabihin, kailan pa? Mauudlot na naman ang pagsasama natin. Marami ng araw at oras ang nasayang sa'tin." Tumigil muna siya sa pagsasalita, parang hinihintay pa niyang magsalita ako. "Ako ang Tito Arthur mo. Kapatid ako ng Papa mo... S'ya si Brylle. Kilala mo na s'ya, hindi ba?" Hindi ako sumagot. "Kapatid mo siya. Mas matanda sya sa'yo ng isang taon." Tumingin lang ako kay Brylle. "Hindi ko alam kung papaano niya ako napapayag na hindi magpakilala sayo noon." Hinawakan niya ang kamay ko. "Pinuntahan ka namin noon sa bahay ni Jerry. Paalis na ang asawa niya noon. Ang sabi niya umalis ka na raw doon ng araw ding iyon at 'di niya alam kung saan ka nagpunta. Hinanap ka namin. Sobrang nag-alala kami sayo. Inabot kami ng gabi paghahanap. Swerte at tumawag si Ben kay Brylle, sinabi niya na nandoon ka raw sa bahay nila. Isinama ka raw ng Tiya Gloria niya. Mabuti na lang at alam niya na kapatid ka ni Brylle."
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...