Kabanata 3

480 83 1
                                    

"Uuwi na tayo." Seryosong sabi ni Ben sa akin. May ipinatong siya sa ulo ko. "Mikee, tara na. Ten-thirty na."

Inalis ko ang ipinatong ni Ben sa ulo ko. Jacket na kulay gray.

Tumayo na ako at magpapaalam na sana kay Maddie nang napatigil ako. Nakarinig ako nang magkasabay na sipol.

"Sinong sumipol?" Nakakunot ang noo ni Ben.

"Sila Franco at Brylle, tol!" Sabi nang natatawang si Jet at tumayo na din siya. "Grabe kayo 'wag ganon. Parang ngayon lang kayo nakakita ng tiyan ng babae." Umalis siya at nagpaalam na kay Maddie.

Halatang isa si Jet sa sumipol. Sumunod sa kanya si Raiden at Aldritz.

"Loko talaga 'yong tatlong 'yon." Sabi ni Kian. "Uuwi na kayo, Lara?"

"Oo, eh. Sige. Bye!" Lumapit ako kay Maddie at nagpaalam na.

Nauna na sa akin si Mikee sa labas. Nakasunod naman sa akin si Ben.

"Lara, kay Jet na ako sasabay, ah. Pauwi na rin kasi siya. Baka mamatay ako ng maaga 'pag umangkas ako kay Ben. Magkita na lang tayo sa bahay." Sabi ni Mikee, sabay angkas sa motor ni Jet.

Nauna na silang umalis. Naiwan ako kasama si Ben.

"Isuot mo nga 'yang jacket!" Utos sa akin ni Ben. Sumakay siya sa motor niya.

Hindi ko siya sinunod. "Ba't sinabi mo sa mga kaibigan mo na may boyfriend na ako?" Tanong ko sa kanya.

"Eh, ano naman kung sinabi ko na may boyfriend ka? Gusto mo bang magpaligaw sa mga 'yon?" Balik na tanong niya sa akin.

"Porke ba sinabi ko na wala akong boyfriend, gusto ko nang magpaligaw? Baka sabihin ng mga 'yon na sinungaling ako."

"Para 'yon lang, laki ng problema mo." Ini-start na niya ang motor. "Sakay na, uuwi na tayo. Isuot mo na 'yang jacket."

"Ikaw ang magsuot, 'di ako nilalamig." Inihagis ko sa kanya ang jacket. Hindi niya agad nasalo kaya nahulog ito sa kalsada.

Ang sama ng tingin niya sakin ng pinulot niya ito.

"Ano yan L.Q.?" Pang-aasar ni Franco kay Ben. Kalalabas lang nito ng gate. Kasunod sila Brylle at Kian.

"Hindi, ah." Sagot ni Ben. "Di pa kayo uuwi?"

"Uuwi na ko." Sagot ni Franco. "Tong dalawa tatambay pa sa bahay nila Rai." Sumakay na siya ng motor niya. Bumusina muna siya bago umalis.

"Hoy, kayong dalawa d'yan! Pumunta na kayo dito nakakaistorbo kayo sa nag-aaway. Mamaya bugbug na si Ben!" Sigaw ni Raiden kay Kian at Brylle. Nasa katabing bahay nila Maddie ang mga ito.

"Mga siraulo kayo! Kanina pa kayo d'yan?!" Sigaw ni Ben sa dalawa.

"Oo, talo ka boy!" Sigaw ni Aldritz. Nagtawanan ang mga ito.

Napatingin ako kay Brylle na seryoso. Nakatingin siya sa akin at sa kwintas ko. Para talagang nakita ko na siya noon hindi ko lang matandaan kung saan.

"Tara na, Lara." Nakasimangot na sabi ni Ben sa akin. "Pag 'di ka pa sumakay, iiwanan kita dito."

Aba't nanakot pa ang loko.

Napilitan akong umangkas sa motor.

Nagpaaalam muna si Ben sa mga kaibigan niya bago pinaandar ang motor.

Mabagal lang ang pagpapatakbo niya ngayon hindi tulad kagabi na parang kasali sa karera.

May isang minuto na siguro kaming nabyahe nang itinigil niya ang motor sa may gilid ng kalsada.

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon