Kabanata 12

375 57 1
                                    

Naalimpungatan ako ng may tumatapik sa braso ko.

"Lara..." Mahinang tawag pa ng taong gumigising sa akin.

"Hhhmmm...ano?" Iminulat ko ang aking mga mata. Si Mikee pala ang gumigising sa akin.May dala siyang flashlight na nakatutok sa mukha niya. "Brown-out ba?"

"Hinde...Bumangon ka na, dali.... Samahan mo ako." Bulong niya.

"Saan?"

"Basta." Tumayo na siya. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto namin ni Nanay Gloria.

Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Nanay Gloria. Isinuot ko muna ang aking bra, na nakasanayan kong tanggalin bago matulog. Pagkatapos ay sumunod kay Mikee labas ng kwarto.

"Saan ba tayo pupunta Mikee?"

"Ssshhhh... 'wag kang maingay. Pupunta tayo kay Ben." Hinawakan niya ako sa braso.

"Bakit na sa'n ba siya?"

"Basta. Halika na." Hinila niya ako.

"Sandali magpapalit lang ako."

"Wag na. Ako nga naka-pambahay lang, e." Pigil niya sa akin.

"Kukuha na lang ako ng jacket. Ang nipis ng damit ko. Ilawan mo ako sa kwarto para makita ko 'yong jacket ko." Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng jacket pagkatapos ay dali-dali akong lumabas ng kwarto. Sabay kami ni Mikee na lumabas ng bahay.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya ng nakalabas na kami ng bahay. Isinuot ko na ang aking jacket. Medyo malamig ang hangin dito sa labas. Madilim pa.

"Mag-aalas tres na ng madaling araw." Tinulak niya ang motor ni Ben. "Pakibukas ng gate Lara."

Dali-dali kong binuksan ang gate. Nang nailabas na ni Mikee ang motor ay isinarado ko na ulit ang gate. Sumunod ako kay Mikee. Tinulungan ko siyang itulak ang motor.

"Uy... Mikee. Ano bang nangyari?"

"Napaaway daw sila Ben kagabi."

"Si-sinong may sabi sayo?" Kinabahan agad ako.

"Si Maya, 'yung kasambahay ni Kian. Tinext ko siya kagabi kung nasa bahay na si Kian. Di kasi nasagot si Jet at Ben sa tawag ko kagabi. Baka mag-kakasama sila." Tumigil siya sa pagtutulak ng motor. "Yun nga nag-replay si Maya sa akin, nasa bahay na daw si Kian, kasama sila Ben, napaaway daw." Lumingon siya sa dinaanan namin kanina. "Pwede na siguro dito. Di na maririnig nila Nanay." Sumakay na siya sa motor. Ini-start na niya ito. "Sakay ka na."

"Bakit 'di sila sa ospital pumunta?" Tanong ko habang umaangkas sa motor.

"Alam mo naman 'yung mga 'yun, matitigas ang ulo."

"Baka magising sila Nanay, hanapin tayo. Mapapagalitan tayo nyan. Sabihin na lang kaya natin sa kanila."

"Magagalit tiyak si Ben. Ako ng bahala mamaya." Pinaandar na ni Mikee ang motor.

Niyakap ko ang aking sarili. Ang lamig ng hangin.

Tama nga ang hinala ko gaganti sila.

Mga ilang minuto ang nakalipas itinigil ni Mikee ang motor sa tapat ng isang bahay. Ang taas ng gate nito.

Bumaba ako sa motor. Ipinarada ni Mikee ang motor sa tabi ng kalsada.

"Dito na ba?" Tanong ko kay Mikee.

"Oo, halika na." Nagdoorbell si Mikee.

"Ang tahimik, a. Wala atang tao sa loob."

"Hindi, nandyan daw sila Ben."

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon