Kabanata 13

383 49 0
                                    

Kabanata 13

Ayaw pang umuwi ni Ben. Mapapagalitan din daw naman siya, kaya lulubus-lubusin na daw niya. Pinauna na niya kaming umuwi ni Mikee.

Hindi naman kami napagalitan ni Nanay ng dumating kami sa bahay. Nagdahilan si Mikee na bumili kaming dalawa ng pandesal sa bayan.

Gabi na ng umuwi si Ben sa bahay. Sermon ang inabot niya nang nakita nila Tiya Charito at Tiyo Dado ang mga sugat at pasa niya.

"Lara, anak. Pwede bang pakigamot ng mga sugat ni Ben." Sabi sa akin ni Nanay Gloria pagkatapos naming mag-hapunan.

"O-opo." Sagot ko kahit labag sa aking kalooban.

"Ito ang mga gamot." Iniabot ni Nanay sa akin ang medicine kit. "Mauuna na akong matulog nasakit na naman ang tuhod ko. Nakakainis na itong rayuma na 'to." Lumabas na si Nanay ng kusina at umakyat na sa hagdan.

"Buti na lang may nurse tayo dito sa bahay." Sabi ni Tiyo Dado. "Napakatigas talaga ng ulo ng anak mo Chato! Buti 'yon lang ang inabot niya."

"Mana lang sayo si Ben." Sabi ni Tiya Charito habang nag-huhugas ng pinggan. "O mas malala ka pa nga sa anak mo. May mapatingin nga lang sayo ng masama noon, sinasapak mo na."

"Hindi totoo 'yon Lara." Sabi ni Tiyo Dado. "Wag kang maniwala sa sinasabi ng Tiya mo."

"Totoo 'yon Lara. Ako nga, tinakot lang ako ng Tiyo mo kaya ko siya naging nobyo. Kahit itanong mo sa Nanay Gloria mo." Sabi ni Tiya.

Napapangiti na lang ako sa kanilang mag-asawa.

"Ay...pinikot kaya ako ng Tiya mo Lara." Sabi ni Tiyo sa akin.

"Hindi kaya! Hinalikan ako ng Tiyo mo sa harap ng madaming tao, sa plaza. Pyesta noon sa bayan. Nakarating 'yon sa Tatay ko. Kaya ayon ipinikasal agad kami kahit ayaw ko pang mag-asawa." Dagdag pa ni Tiya.

"Sa inyo po pala talaga nag-mana si Ben." Sabi ko kay Tiyo.

"Huh?" Naguguluhang tanong ni Tiyo sa akin.

"A-ang ibig ko pong sabihin, baka gayahin din po ni Ben 'yon." Nautal pa ako.

"Hindi, Lara. Si Ben ang pinupuntahan dati ng babae dito sa bahay. Kahit ayaw ni Ben. Nalimutan ko kung anong pangalan nung babaeng 'yon. Napagsabihan ko lang kaya 'di na bumalik dito. Ang bata-bata pa e, gusto na agad mag-asawa. Dito pa nga natutulog dati." Kwento pa ni Tiya.

"Magandang lalake kasi ang anak mo, mana sa'ken." Pagyayabang pa ni Tiyo.

"Yon! Pagdating sa kagandahang lalake mana sayo, 'pag sa mga kalokohan hinde." Sabi ni Tiya.

"Syempre ganon talaga!" Natatawang sabi ni Tiyo Dado kay Tiya Charito.


"Nay, ayaw kumain ni Ben, kumain na daw siya sa bahay nila Kian. Matutulog na daw siya." Sabi ni Mikee pagkapasok niya sa kusina.

"Nako, gagamutin pa ni Lara 'yung mga sugat niya." Sabi ni Tiya.

Makahulugang tumingin sa akin si Mikee. Pagkatapos ay ngumiti.

"Labas lang ako saglit Tay, titingnan ko lang kung buhay pa si Jethro." Lumapit si Mikee kay Tiyo at umakbay.

"Nako, sermon din ang inabot non sa Tatay niya." Sabi ni Tiyo. "Bilisan mo at 'wag ka ng tumambay pa kung saan."

"Yes, sir!" Sumaludo pa si Mikee kay Tiyo bago umalis.

"Pupuntahan ko na po si Ben, baka makatulog pa po siya." Kinuha ko ang medicine kit sa lamesa.

Lumabas na ako ng kusina at umakyat sa hagdan. Pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Ben.

Kunyare nagpunta na ako dito sa kwarto ni Ben, pero kunyare tulog na siya kaya 'di ko na nagamot yung mga sugat niya. Tama! Mamayang konti bababa ako at 'yun ang sasabihin ko kay Tiyo at Tiya.

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon