Kabanata 29

324 13 0
                                    

"Buntis si Lara! Nasa ospital kami ngayon!"

Nagising ako dahil sa galit na boses ni Mikee. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Mikee, ang boses mo! Magigising si Lara!" Sabi ni Ayeen na nasa upuan malapit sa kama kung saan ako nakahiga. Katabi niya si Maddie.

"Sorry!" Sabi ni Mikee.

"Sino ba 'yan?"

"Ang walanghiya kong kakambal. Labas muna ako." Sabi ni Mikee.

Lumingon ako sa pinto na pinaglabasan ni Mikee.

"Gising ka na?" Lumapit sa akin si Maddie. Kasunod si Ayeen.

"Okay ka lang ba? Anong masakit?" Umupo si Ayeen sa may bandang dulo ng kama.

"A-ang baby ko?" Iyon ang itinanong ko imbes na sagutin si Ayeen.

Nagtinginan muna ang dalawa bago sumagot sa akin.

"Okay naman siya, sabi kanina ng doktor." Sabi ni Maddie.

"Mabuti na lang daw at malakas ang kapit niya." Sabi ni Ayeen. "Pero kailangan mo pa rin ang pahinga. Bawal ang stress."

"Alam mo bang buntis ka?" Tanong ni Maddie.

"Mag-to-two months na akong delay, pero hindi ko iniisip na buntis ako." Hinawakan ko ang aking puson.

"Masaya kami na magkakababy ka ulit." Hinawakan ni Maddie ang isa kong kamay. "Si Mikee nga tinawagan na si Ben."

"Hindi na niya dapat ginawa 'yon." Sabi ko.

"Bakit naman?" Tanong ni Ayeen.

"Ikakasal na siya. Ayokong isipin ni Iris na nanggugulo ako. Aksidente lang pati ang nangyari sa amin ni Ben. Alam kong hindi niya gusto ang nangyari. Kaya ko namang sigurong buhayin ang baby ko ng ako lang mag-isa." Sagot ko.

"Ay, 'wag mong isipin na mag-isa ka lang. Nandito kami." Sabi ni Ayeen.

Halos sabay-sabay kaming lumingon sa pinto nang bumukas iyon. Pumasok si Brylle, kasunod si Mikee.

Bumalik si Ayeen at Maddie sa inuupuan nila kanina.

Kumuha si Brylle ng upuan sa may gilid ng kwarto. Inilagay niya sa tabi ng kama at naupo doon. "Okay ka lang ba?"

Tumango ako sa kanya.

"Si Ben ba?" Tanong pa niya muli. May halong galit sa tono ng boses niya.

Hindi ako sumagot at umiwas nang tingin sa kanya.

Narinig ko ang mahina niyang pagmura.

"Papunta na rito si Ben." Sabi ni Mikee na nanatiling nakatayo malapit sa kama.

"Bakit pa? Ikakasal na siya 'di ba?" Hindi na maitago ang galit sa mukha ni Brylle ngayon. "Tang-ina n'ya 'wag siyang magpapakita sa'kin!"

Hinawakan ko si Brylle sa braso. "Wala siyang kasalanan, ako. Nagkamali ako ng kwartong pinuntahan noon, dahil sa kalasingan."

"At matino siya noong mga oras na 'yon." Sabi ni Brylle. Tumingin siya sa pinto nang marinig kong bumukas iyon.

Agad na lumapit si Mikee kay Ben na hindi pa halos nakakapasok sa loob ng kwarto. "Bakit?"

Tumayo si Brylle. Hindi ko agad nahawakan ang kamay niya para pigilan sa paglapit kay Ben. Si Ayeen ang pumigil sa kanya.

"Sabi ko sayo mamaya na lang, 'di ba?" Pinipigilan ni Mikee si Ben na pumasok.

"Bakit ba?" Hindi kayang pigilan ni Mikee si Ben kaya nakapasok ito sa kwarto.

Walang nagawa ang pagharang ni Ayeen kay Brylle, mabilis na lumapit kay Brylle kay Ben at sinuntok agad sa mukha.

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon