💕💕💕This chapter is dedicated to CrazyPinkpiggy_02💕💕💕
Kabanata 15
"Ang sarap naman nito! Sinong nagluto?" Tanong ni Aldritz.
"Si Lara ang nag-luto nyan kanina. Nambola ka pa dyan! Alam na naming masarap." Sabi ni Mikee.
"Ang sarap ng adobo mo Lara. Pwede ka ng mag-asawa!" Sabi ni Aldritz.
"Sus! Kumain ka na nga lang dyan!" Sabi Mikee. "Babalik pa kaya si Ben?"
Isang oras na ang nakakalipas simula nung umalis si Ben at si Cathy dito sa ilog. Hindi pa din bumabalik si Ben. Nauna pa sa kanyang bumalik dito sa ilog si Kian, inihatid niya pauwi kanina sila Mira at July.
"Baka napikot na ni Cathy." Sabi ni Raiden.
"Tol, 'wag kang magbiro ng ganyan. Baka maniwala si Lara." Tiningnan ko ng masama si Aldritz. "O, tingnan mo. Ang sama ng tingin ni Lara sa akin o! Naniniwala na 'yan sa sinabi mo, Rai!"
"Hindi no!" Sabi ko kay Aldritz. 'Wala akong pakialam kahit hindi na bumalik si Ben'. Gusto ko pang idagdag, kaso parang iba ang dating non. Bigyan pa nila ng kahulugan. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
"Bakit pa kasi inihatid pa ni Ben 'yong babaeng may sayad na 'yon?" Inis na sabi ni Mikee.
"Okay lang ba na inihatid ni Ben si Cathy sa bahay nila, baka nandon si Kenneth. Kanina pa siya, baka napaaway na 'yon." Sabi ni Pia. Katabi niya sa inuupuan niyang bato si Franco. May napapansin ako sa kanilang dalawa. Kanina ipinaglagay pa ni Franco ng pagkain sa pinggan si Pia. Minsan may ibinubulong pa si Franco, pasimpleng lilingunin lang siya ni Pia at ngingiti.
"Siguro?" Patanong na sagot ni Aldritz. "Hindi ka ba nagseselos Lara?"
"Bakit naman ako magseselos?" Tanong ko din.
"Kahit konte?" Si Jet naman ang nagtanong.
"Hindi nga!" Nakukulitan na ako sa kanila.
"Ay... manhid si Lara." Sabi ni Aldritz.
"Di ka pa ba nagkakaboyfriend Lara?" Tanong ni Kian.
"Hindi pa." Sagot ko.
"Di nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aldritz.
"Oo, ang kulit mo." Inirapan ko si Aldritz.
"Ang swerte pala ni Ben." Tumabi sa akin si Aldritz. "Kaso may Cathy na sya, e." Inakbayan niya ako. "Kung ako manliligaw sayo, sasagutin mo ba ako?"
Dahan-dahan kong nilingon si Aldritz. Ngumiti siya sa akin. Siniko ko siya sa kanyang tiyan. "Tigilan mo ako!" Inis na sabi ko sa kanya. Inalis niya ang pagkakaakbay niya sa akin.
Nagtawanan sila Jet, Raiden, Kian at Mikee.
"Ang sakit nun, a!" Hindi maipinta ang mukha ni Aldritz. Sabay himas sa kanyang tiyan. "Yan ba ang natutunan mo kay Mikee, ha, Lara?"
"Hoy! Aldritz pati ako idinamay mo! Ikaw, ha! Pati si Lara? Pinopormahan mo! Isusumbong kita kay Ben!" Inis na sabi ni Mikee kay Aldritz.
"Ano 'yon Mikee?" Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita.
Dumating na pala ang halimaw.
"O!? Tol! Ang tagal mo! Akala namin 'di ka na babalik." Umalis si Aldritz sa tabi ko. Bumalik siya sa pwesto niya kanina sa tabi ni Raiden.
"Ang kulit kasi ni Cathy." Umupo siya sa tabi ko. "Nag-pahatid pa sa kanila."
"Hinatid mo naman?" Tanong ni Mikee.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...