Pumasok kami sa isang gate na kulay pula.
Sa labas nito ay may nakalagay na private property, no trespassing.
"Di ba tayo mapapagalitan ng may-ari?" Tanong ko kay Mikee.
"Hindi, 'wag kang mag-alala. Kasama natin ang anak may-ari." Nakangiting sabi ni Mikee.
"Si Jet?"
"Oo, kanila 'to. Hanggang doon sa may bakod, 'di mo nga lang makikita malayo pa dito. Pati yung lupa sa may kabilang ilog kanila din."
"Mayaman pala sila."
"Medyo. Mayroon pa silang niyogan, koprahan, manggahan, taniman ng lanzones, saging, 'di ko na matandaan 'yong iba."
"Oy, mahal! Anong i-tsini-tsismis mo d'yan kay Lara!" Sigaw ni Jet. Medyo malayo na siya sa amin ni Mikee.
"Wala! Sabi ko, ang gwapo mo!" Sigaw ni Mikee.
"Wag kang maingay mahal! Baka marinig ka ng mga engkanto dito, magka-crush pa sa'ken!"
"Kapal mo talaga!" Sigaw ni Mikee.
"Kayo ba?" Tanong ko kay Mikee.
"Ni Jet? 'Di no! Kaibigan ko lang yan. Na sanay lang kami na mahal ang tawagan."
"Sweet n'yo naman. May callsign pa kayo."
"Oy, bilisan n'yo! Baka mawala kayo!" Sigaw ni Jet.
Medyo malayo-layo na din ang nilakad namin.
Medyo masukal na din ang daan. Puro puno ng niyog ang una kong nakita, sunod naman ay mga lanzones na wala pang bunga. Sunod ay ang taniman ng mga mangga na ang daming bunga.
"Nawala na si Jet." Sabi ko kay Mikee.
"Nand'yan lang 'yan." Sabi ni Mikee habang palingon-lingon. Hinahanap din siguro si Jet.
May nalaglag na hilaw na bunga ng mangga. Sinimot ko ito at ipinakita kay Mikee.
"Maasim ito 'no? Manggang kalabaw."
"Oo, pero matamis 'yan 'pag sa puno nahi- aray!" Sigaw ni Mikee. Tinamaan siya ng mangga sa ulo. Buti na lang at maliit pa iyong mangga.
Magkasabay kaming tumingin sa taas. Nandun ang nagtatawang si Jet.
"Humanda ka sa'ken pagbaba mo Jethro!" Sigaw ni Mikee. "Ang sakit, ah!" Sabay himas sa ulo niya.
Tinawanan lang siya ni Jet at nanguha na ito ng mangga. Nilalagay niya ito sa eco bag na dala niya kanina.
"Dito tayo sa malayo, Lara. Baka patamaan tayo ng luko-lukong 'yan."
Sumilong kami ni Mikee sa mas maliit na puno ng mangga, naupo kami sa malaking bato sa gilid nito.
"Nagustuhan mo ba dito samen?" Tanong sa akin ni Mikee.
"Oo naman. Ang babait n'yo sa'ken. Si Nanay Gloria, ikaw, si Tiyo at Tiya."
"Ba't 'di kasali si Ben?"
"Ay, oo nga pala pati si Ben! Nalimutan ko."
Tumawa si Mikee. "Sinusungitan ka ba niya?"
"Hindi naman."
"Mabait naman 'yon. Lalo na 'pag tulog. Buti nga 'di na siya sumasama sa mga dati n'yang barkada."
"Sino 'yong Kenneth ba?"
"Oo, pano mo nakilala 'yon?"
"Hinarang n'ya kami ni Ben nang pauwi kami noong birthday ni Maddie at kanina sa court."
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...