Kabanata 22

381 17 0
                                    

Kabanata 22

"Di mo ba ako na-miss?"

"Bakit naman kita ma-mimiss? Close ba tayo?" Galit na tanong ko.

"Ang taray mo naman!" Lumapit siya sa akin. "Di umpisahan nating maging close!" Inilahad niya ang kanyang kanang kamay. "Kenneth Cortez nga pala, Angel." Ngumisi siya sa akin.

"Hindi Angel ang pangalan ko! Ikaw ba ang nagpakuha ng kwintas ko?" Tanong ko sa kanya imbes na kamayan ko siya.

"Hindi, a! Aanhin ko naman 'yun?" Nakangising tanong niya sa akin. Ibinaba niya ang kanyang kamay.

Halata sa kanyang mukha na nag-sisinungaling siya.

Lumingon ako sa bahay na pinasukan ng lalakeng kumuha ng kwintas ko.

Hindi ko na dapat siya sinundan!

"Gusto mo bang samahan kita sa loob? Kunin natin ang kwintas mo?"

Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako pabalik sa dinaanan ko kanina.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya sa akin nang nalampasan ko siya.

Dire-diretso akong naglakad. Gusto ko nang makauwi.

"Sandali lang!" Mabilis niya akong naabutan at hinarangan.

"Ano bang kailangan mo?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Syempre, ikaw! Kailangan pa bang itanong 'yun!" Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

Sa bawat pag-lapit niya sa akin ay umaatras ako. "U-uwi na ako."

"Mamaya ka na umuwi." Hinawakan niya nang mahigpit ang kanang braso ko at hinila ako papunta sa bahay kung saan pumasok ang lalakeng kumuha ng kwintas ko.

"Bitiwan mo ako! Ano ba? Gusto ko nang umuwi!" Walang nagawa ang panlalaban ko dahil sa mas malakas siya sa akin. Binitiwan ni Kenneth ang aking braso at binuhat ako na parang isang sako ng bigas sa kanyang balikat. Napatili ako sa kanyang ginawa. Pinagsusuntok ko ang kanyang likod.

"Ang kulit mo naman! Gusto mong itali kita, a?" Tinampal pa niya ang puwet ko.

"Bastos!" Galit na sigaw ko sa kanya.

Tumawa muna siya nang malakas bago nag-salita. "Mamaya ka nga sabi uuwi! May sasabihin pa ako sayo!" Sinipa niya ang pinto ng bahay para mabuksan iyon. "May maganda tayong bisita!" Sigaw niya. "Welcome sa tambayan namin!"

Inilibot ko ang aking mga mata nang ibinaba ako ni Kenneth. Tanging mga lumang sofa na lamang ang gamit sa loob ng bahay. Kung saan madaming lalakeng nakaupo. Mga naglalaro ng baraha at mga naninigarilyo. Pamilyar ang iba sa kanila. Hindi ko lang matandaan kung saan ko sila nakita. Meron ding mga nakaupo sa hagdan. Isa sa kanila doon si Smooth. Nakangiting kumaway siya sa akin. Katabi niya ang lalakeng kumuha ng kwintas ko. Dali-dali akong lumapit sa kanya. "Ang kwintas ko? Ibalik mo sa'ken!"

"Ibalik mo daw, Jerald!" Nakangising sabi ni Smooth sa lalake.

May dinukot iyong nag-ngangalang Jerald sa bulsa ng pantalon niya. Ang kwintas ko. Inihagis niya iyon sa may bandang likuran ko.

Inirapan ko iyong Jerald at hinanap ko kung saan bumagsak ang kwintas ko. Hawak na ito ni Kenneth.

"Ang galing no? Magkatulad kayo ng kwintas ni Brylle!" Tiningnan niyang ang kwintas. "Ricardo. Papa mo siya 'di ba? 'Yung kay Brylle na kwintas, Lorena ang nakaukit sa likod."

Papa ko? Hindi ko alam. Pero iyong Lorena? Iyon ang pangalan ng Mama ko.

Lumingon ako sa pinto. Bukas iyon. Ngunit imposibleng makalabas ako doon ng walang pipigil sa akin. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mga gamit na foil sa sahig. Mukhang dito pa sila gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon