Kabanata 16

366 35 4
                                    

Kabanata 16

"Lara, kilala mo ba yun?" Tanong ng kaklase kong si Debbie. Katatapos lang ng last subject namin ngayong araw.

"Sino?" Tanong ko. Hindi ko siya nililingon. Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa aking bag.

"Yung nasa pinto ng room natin. Ang gwapo. Yung kasama niya, ang gwapo din. Kanina ko pa syang nakikitang tumitingin sa akin." Kinikilig na sabi ni Debbie.

Tamad na tiningnan ko kung sino ang tinutukoy niya. Nginitian ako ng taong sinasabi niya.

Hmp! May pangiti-ngiti ka pa dyan!

"OMG!! Nakita mo ba 'yun Lara? Nginitian niya ako!" Hinampas ako ni Debbie sa braso dahil sa sobrang kilig.

Napairap na lang ako.

"Hi! Lara!" Bati ni Aldritz. Hindi ko siya pinansin.

"Kilala ka ng kasama nung may crush sa'ken?" Tanong ni Debbie.

May crush daw sa kanya!?

Hindi ko sinagot si Debbie. Tumayo na ako at isinakbit ko ang aking bag sa balikat ko.

"Uy! Lara, kilala mo yung may crush sa'ken no! Anong pangalan niya?!" Na-iingayan na ako kay Debbie.

"Hindi ko sya kilala, ngayon ko lang sya nakita. Sige, mauna na ako sayo." Nag-lakad na ako papunta sa pinto.

"Wait lang, Lara. Ok lang ba ang itsura ko?"
Tanong ni Debbie.

Sila Ben at Aldritz ang tiningnan ko imbes na si Debbie.

"Lara, suplada ka na, ha!" Sabi ni Aldritz ng makalapit ako sa pinto.

Inis na inirapan ko si Aldritz.

"Lara, sabay na tayong umuwi." Nakangiting sabi ni Ben. Sinabayan niya ako sa pag-lalakad nang nakalabas ako ng classroom.

"Ayoko, dadaan pa ako kay Nanay sa palengke."

"Sige, dadaan tayo don at sabay tayong uuwi. Ako na ang magdadala ng bag mo." Akmang kukunin ni Ben ang bag ko ng pigilan ko siya.

"Wag na. Ako-"

"Akala ko ba hindi mo siya kilala, Lara?" Nagtatakang tanong ni Debbie. Kasunod ko din pala siya.

Napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko si Ben. Nakatingin siya sa akin ng masama. "Tsk! Hindi mo ako kilala? Itinatanggi mo na ako ngayon, a?!"

"Hindi-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang umalis si Ben.

"Hala ka, Lara. Galit si Ben." Pang-aasar ni Aldritz sa akin.

"Ben ang pangalan niya?" Tanong ni Debbie kay Aldritz.

"Oo." Nakangiting sagot ni Aldritz. "Boyfriend siya ni Lara."

"Hindi ko siya boyfriend." Tanggi ko.

"Future boyfriend." Nginisian ako ni Aldritz. Sinamaan ko siya ng tingin. "Lagot ka mamaya." Pang-aasar niya bago siya sumunod kay Ben.

"Magalit na sya... Wala akong pakialam." Bulong ko.

Naiinis ako kay Ben, lagi niyang kasama si Cathy.

Lalo na kaninang lunch. Nakita ko silang magkasama ni Cathy sa canteen, sabay silang kumakain. Akala ko kaming dalawa ang sabay na magla-lunch. Kulang na lang magsubuan silang dalawa. Nakita niya ako, pero hindi niya ako pinansin. Tapos ngayon sasabihin niya sabay kaming umuwi. Bakit hindi si Cathy ang isabay niya pauwi?!

Sa loob ng limang buwan na panliligaw niya sa akin, sinunod niya yung sinabi ko sa kanya noong nasa ilog kami. Hindi siya nakikipag-away. Kapag nasasalubong niya si Kenneth at ang mga barkada nito, hindi niya pinapansin. Kahit alam ko na asar na asar siya sa mukha ng mga iyon. At iyong sinabi ko sa kanya na huwag siyang maniac, sinunod din niya. May ilang beses na nakikita ko siya na nakatitig siya sa akin. Kapag tinatanong ko siya kung bakit, napapalunok na lang siya at tatanungin niya ako kung kailan ko siya sasagutin.

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon