"'Di pa ba kayo mag-swi-swimming?!" Nakapamewang na tanong ni Ayeen sa amin ni Mikee. Naka-suot siya ng white two piece. Basang-basa ang buhok, kakaahon lang niya galing sa dagat.
"Mamaya na!" Si Mikee. "Sasamahan ko muna si Lara. Kawawa naman 'pag iniwan ko siya kay Aldritz."
Bumalik si Ayeen sa dagat kasama ang isang lalake. Bago ata niyang kakilala.
"O? Paano naman naging kawawa si Lara. Matagal din kaming 'di nagkita. Na-miss ako nito." Pinisil ni Aldritz ang kaliwa kong pisngi.
"Aray! Aldritz! Masakit, a!" Sabay tampal ko sa braso niya. Binitiwan niya ang pisngi ko.
"Grabe ka Aldritz, ang dumi-dumi ng kamay mo." Pang-aasar ni Mikee.
Kagabi pa kami dumating dito sa isang private resort sa Palawan. Katabi lang halos nito ang bar at restaurant ni Maddie. Kasama namin sila Franco na natutulog pa hanggang ngayon, ang kapatid ko na si Brylle kasama si Kian na nasa restaurant ni Maddie.
Hindi sumama ang magkapatid na Jeannie at Jared. Kasama sila ng Papa nila, may out of town trip. Hindi din kasama si Jethro, mag-kaaway ata sila ni Mikee. Sila Pia at Raiden at nasa Australia pa din hanggang ngayon.
Pagkarating namin kagabi ay natulog agad kami, para maagang magising at mapanood ang pagsikat ng araw. Nasa harap kami ng dagat. Dito na rin kami kumain ng umagahan.
"Wow, ha! Parang 'di niyo ako namiss." Inilapit ni Aldritz ang upuan niya sa akin at inakbayan ako.
Hindi ko naman talaga siya na-miss. Halos araw-araw siyang nag-te-text at tumatawag sa akin para mangumusta.
"Alam ko Lara, 'di nabubuo ang araw mo ng 'di ako nag-te-text o tumatawag man lang sayo."
Umiling ako. "Inaabala mo kaya ako."
"Ay, grabe! Sinasagot mo naman ang tawag ko, tapos nag-rereply ka sa'ken!" Nakakukot pa ang noo niyang nakatingin sa akin.
"Naaawa kasi ako sayo, baka wala ka 'man lang ka-text o katawagan."
"'Wag ka ngang umakbay kay Lara!" Inis na sabi ni Mikee.
"Nag-seselos ka agad. Mamaya ka na. Yakap pa ang ibigay ko sayo." Pang-aasar ni Aldritz kay Mikee. Hindi nito inalis ang pag-kakaakbay sa akin.
"Sells mo 'yan mukha mo!" Sumandal si Mikee sa upuan at humalukipkip. "Hindi ka ba nahihiya sa kakambal ko!"
"Wala naman siya dito, a! Tsaka para sa kanya 'tong pag-akbay ko kay Lara." Naka-ngisi si Aldritz.
Inalis ko ang pag-kakaakbay ni Aldritz sa akin. Mahina ko siyang itinulak.
Umiling-iling si Aldritz. "Kung nandito 'yon. 'Di din naman makaka-akbay sayo 'yon. Takot lang no'n na makarate mo s'ya."
"Ewan ko sayo, Al." Sabay irap ko.
"'Di ba s'ya uuwi?" Tanong ni Aldritz kay Mikee.
"Ewan ko. Busy ata. Sabi n'ya next na siya uuwi." Sagot ni Mikee.
"Nasabi ko sa kanya noong isang araw na mag-babakasyon tayo dito sa Palawan."
"'O? Anong sabi?" Tanong ni Mikee.
"Enjoy lang ang sinabi." Sa akin na naka-tingin si Aldritz. May lungkot sa tono ng boses niya.
"Para ka naman nalugi." Ako naman ang kumurot sa pisngi niya.
"Aray!" Hinawakan ni Aldritz ang kamay ko. "Syempre, gusto ko sana kumpleto tayo."
Napa-ngiti ako. Nagsasalita kasi siya habang kurot ko pa ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...