Kabanata 7

407 79 0
                                    

Pagkatapos namin na kumain ay tinulungan ko si Mikee na maghugas ng pinggan at mga ginamit ni Nanay sa pagluluto kanina.

Naligo na ako pagkatapos non.

Nakahiga ako ngayon sa kama dito sa kwarto. Medyo sumasakit ang puson ko.

Hawak ko ang cellphone ni Ben.

Bigla itong tumunog.

1 message received.

Tinitigan ko lang ang screen ng cellphone.

Unknown number ang sender ng text message.

Hindi ko binasa ang text at ibinaba ko ang cellphone sa kama.

Wala pang kalahating minuto ay tumunog ulit ito.

Kinuha ko ulit ang cellphone.

2 messages received

Hindi ko ulit binasa at ibaba ko na sana ng tumunog ulit ito.

3 messages received

Hindi ko ulit binasa at ibinaba ko na ulit ang cellphone sa kama.

Mamaya ko na lang ibibigay kay Ben 'yong cellphone niya para mabasa niya yung mga texts sa kanya.

Imposible namang para sa akin 'yung mga texts.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

Naiidlip na ako ng biglang tumunog na naman ang cellphone. Pero hindi na message tone. Kinuha ko ulit ang cellphone.

Tumatawag yung nagtext kanina.

Lift your head, baby don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.....

Baka emergency kaya tumatawag na.

Sasagutin ko na sana ito ng nawala na ang tawag.

1 missed call

Ayy! Ano ba yan? Bahala ka nga dyan.

Ibaba ko ba sana ang cellphone ng tumunog ulit.

Natawag na naman.

Lift your head, baby  don't be scared
Of the things...

Tamad na tamad kong sinagot ang tawag at itinapat sa tenga ko 'yung cellphone.

"Hell-"

"Bakit ang tagal mong sagutin?" Galit na tanong ng isang pamilyar na boses sa kabilang linya. Lalake ito.

"Excuse me? Sino ka ba?" Mataray na tanong ko sa kanya.

Tumawa ito.

"Bakit 'di mo ako nirereplayan? May load ka naman."

"Sorry, Mister? Kung si Ben ang kailangan mo. Tumawag ka na lang mamaya. Wala siya dito sa bahay. Ipinahiram nya lang sa'ken 'tong cell-"

"Bigay ko na sayo 'yan."

"Ha? Ano?"

"Ang sabi ko bigay ko na sayo yan."

Natahimik ako.

Si Ben!

Napabigla ako ng bangon sa kama.

"Aray..." Biglang kumirot ang puson ko ng bigla akong bumangon.

"Napano ka?"

"Wala, sino ka ba?" Nag-kunwari akong hindi ko siya kilala.

"Hindi mo nakikilala 'tong boses ko? O sige, break na tayo."

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon