Kabanata 11

464 68 2
                                    

"Lara, aalis na tayo!" Sigaw ni Ben galing sa labas ng kwarto. Kumatok pa siya sa pinto na akala mo wala ng bukas.

"Wait lang!" Sigaw ko. Nakakainis talaga siya. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Sobrang excited naman niya. Two-fifteen lang, e.

Kumatok na naman siya. Parang sisirain na niya ngayon ang pinto.

Inis na binuksan ko ang pinto.

"Wait lang. Ang ingay mo! Balak mo bang sirain 'tong pinto!?" Isasarado ko na sana ang pinto ng iharang niya ang kanyang kaliwang kamay.

"Bilisan mo, nauna na sila Mikee at Jet." Nakangising sabi niya sa akin. Napatingin ako sa suot niya. Naka-jersey siyang puti at partner na jersey short.

"Oo na. Hintayin mo na lang ako sa baba."
Hindi ko na isinarado ang pinto at bumalik ulit ako sa loob ng kwarto.

"Ang ikli naman ng short mo." Sabi niya.
Tiningnan ko ang suot kong short. Hanggang gitna ng hita ang haba nito.

Lumingon ako kay Ben. Nakasandal na siya sa may pinto.

"Bawal ang maiksing short?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman." Sagot niya habang nakatingin sa mga hita ko.

"O? Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Tanong ko sa kanya habang nagsusuklay ako ang aking buhok.

"Ang taray mo naman. Napatingin lang, e." Lumipat naman ang mga mata niya sa dibdib ko. Binasa niya ang nakasulat sa damit ko. "I'm hot. Hot ka ba?" Tanong pa niya.

"Ang bastos mo talaga!" Ibinato ko sa kanya ang hawak kong suklay. Nasalo niya ito.

"Bakit? Nagtatanong lang, e." Nakangising sabi niya.

"Lumabas ka na nga." Tinalikuran ko siya. Kinuha ko ang sling bag ko sa ibabaw ng kama. Isinabit ko ito sa balikat ko.

Pagharap ko sa tapat ng pinto ay nauntog ako sa isang matigas na bagay.

Sa dibdib ni Ben!

"Ano bang ginagawa mo dyan!?" Hinampas ko siya sa dibdib niya kung saan ako nauntog.

"Hihipuin ko lang kung hot ka nga talaga." Hinawakan niya ang aking kamay na pinanghampas ko sa kanya.

"Ano ba!?" Hinila ko sa kanya ang aking kamay pero ayaw niyang bitawan.

"Sandali lang." Hinila niya ako palapit sa kanya. Napasubsob ako sa dibdib niya. Bago pa ako makalayo sa kanya ay niyakap niya ako. "Ang init nga."

"Bitiwan mo nga ako!" Sabi ko sa kanya.

"Sandali nga lang sabi. Ang kulit mo naman, e." Lalo pa niyang hinigpitan ang pag-yakap sa akin.

"Ikaw ang makulit. Hindi na kaya ako makahinga. Bitaw na." Hindi ko siya maitulak. Naipit ang mga kamay ko sa mga katawan naming dalawa.

"Pwede ba akong makahingi ng goodluck kiss?"

"Ano!? Hindi pwede! Bitiwan mo nga ako!"

"Ang damot mo naman. Pasalamat ka pa nga nagpapaalam pa ako sayo."

"Wow! Salamat, a! Maniac!"

Tumawa lang siya. "Isa lang naman, e."

"Ayoko. Bitiwan mo na ako. Baka biglang dumating si Nanay."

"Maganda nga 'yon. Para ipakasal na nila tayo."

"Anong kasal ang pinagsasabi mo dyan!? Ano bang tinira mo!?" Sunod-sunod na tanong ko. Pilit akong kumakawala sa mahigpit na pagyakap niya sa akin.

"Wala, a. Sige na, last na 'to. Promise." Sabi pa niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya. "O, gusto mong abutan tayo ni Tiya dito."

"Di ba nagmamadali tayo. Tara na."

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon