Kabanata 28

252 10 0
                                    

"Aray..." Hinawakan ko ang ulo kong kumikirot. Hinila ko ang kumot na nasa bandang taas ng dibdib ko. "Ang lamig naman." Doon ko lang napansin na hubo't hubad ako. Tiningnan ko pa ang aking hubad na katawan bago tingnan ang kwarto kung nasaan ako.

Hindi ito ang kwarto namin ni Mikee!

Natigilan ako ng makarinig ako nang ingay mula sa c.r. may tao doon.

Agad akong bumangon at kinuha ang mga damit kong nasa may bandang ibaba ng kama. "Huwag muna sana siyang lumabas... Kung sino man siya..." Dali-dali akong nagbihis.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Dumagdag pa ang pagkirot ng ulo ko.

Hanggang sa natapos akong magbihis ay walang lumalabas sa c.r. Halos takbuhin ko na ang pintuan ng kwarto para makalabas.

Nasa may sofa ang sandals ko. Agad ko iyong dinampot at hindi na nag-abalang isuot pa. Nakayapak akong lumabas sa hindi ko alam kung kaninong kwarto ba iyon.

Kahit kumikirot ang ulo ko ay nagmamadali pa rin akong pumunta sa kwrto namin ni Mikee. Agad kong kinuha ang susi sa short ko at nagmamadaling pumasok nang nabuksan ko.

Tulog na tulog pa rin si Mikee ng maabutan ko siya sa kwarto.

Pumunta ako sa c.r. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha naman akong okay pero may nararamdaman ako na konting sakit sa pagkababae ko.

May naka-one-nightstand ako!

Pilit kong inalala kung sino pero wala akong maalala.  Nasobrahan at ako sa alak. Gusto kong sumigaw at isumpa ang letseng alak na iyon.

Paano kung makasalubong ko ang lalakeng iyon at maalala niya ang ginawa namin kagabi?

Nakakahiya!

Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto. Dinalhan na lang ako ni Mikee ng pagkain.

Niyaya niya akong pumunta ulit sa bar. Pero tumanggi ako sinabi ko na masama ang pakiramdam ko.

Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahiga. Maghapon na akong ganito at pinipilit kong alalahanin ang nangyari kagabi.

Lalakeng humahalik lang sa akin ang naaalala ko. Pero iyong mukha ay hindi ko matandaan.

Dumagdag pa ang cellphone ko. Hindi ko alam kung nasaan. Nahulog ata kagabi kung saan. Kailangan ko tuloy bumili ng bago pag-uwi namin.

"Lara, hinahanap ka ni Brylle kanina." Iyon agad ang sinabi ni Mikee pag-kapasok niya sa kwarto namin. "Sinabi ko na may hangover ka." Naupo siya sa gilid ng kama.

Bumangon ako mula sa kama at naupo. "Anong oras na ba?"

Tiningnan niya ang cellphone niya. "Lagpas 5:00 pm na. Sumama ka na lang sa restaurant ni Maddie mamaya. 'Di pa ako naghahapunan. Sabay na tayo."

"Sige." Gusto kong itanong sa kanya kung kilala ba niya ang lalakeng kasama ko kagabi. Pero hindi ko na itinuloy. Kung alam niyang may kasama akong lalake kagabi, tiyak na itatanong niya sa akin kung sino iyon.

"Sakit pa rin ng ulo ko." Nahiga siya sa kama. "'Di mo pa rin nakikita ang cellphone mo?" Tanong niya sa akin na hindi tumitingin. Sa cellphone niya siya nakatutok.

"Hindi. Bibili na lang ako ng bago pag-uwi natin." Sagot ko.

"Sa'n kaya 'yon nahulog. Sabi ni Aldritz inilagay mo daw 'yon sa bulsa mo, bago ka pumunta ng restroom kagabi."

"'Di ko na matandaan. Grabe ang tama sa akin ng alak, wala akong maalala kagabi."

"Langya, ako rin. Buti pa si Ayeen, 'di man lang ata nalasing 'yon."

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon