💕💕💕 This chapter is dedicated to Czerhine💕💕💕
Kabanata 14
"Uy, Lara sandali!" Nilingon ko ang tumawag sa akin, si Janice. Nasa gawing likuran niya ang mga pinsan niyang si Joel at Julius, nagtatrabaho din sila dito sa palengke. Nakilala ko sila noong pangalawang araw namin na pagtitinda dito.
"Bakit?" Tanong ko kay Janice.
"May hihingin sana sayo si Julius." Sabi ni Janice sabay lingon niya kay Julius.
"Hindi ako, si Joel 'yung may hihingin sayo." Tanggi ni Julius. Siniko pa niya si Joel sa tiyan nito.
"O, bakit ako? Ikaw kaya 'yun!" Sabi ni Joel. Hindi sila makatingin sa akin. Namumula pa si Julius.
"Ay! Ano ba naman 'tong dalawang 'to! Kung pwede daw mahingi 'yung cellphone number mo Lara." Sabi ni Janice. "Ako na nag-sabi, a. Nahihiya pa kayo."
"Pwede naman." Sagot ko.
"Yun! Aki'na 'yung cellphone mo Julius. Bago pa magbago ang isip ni Lara." Inabot ni Julius ang cellphone niya kay Janice. "Lara, ikaw na ang magtype."
Kinuha ko kay Janice ang cellphone at itinype ko ang aking cellphone number.
"Ok na." Bago ko maibalik kay Janice ang cellphone ni Julius ay may kumuha na nito mula sa likuran ko. Inis na nilingon ko kung sino ang kumuha ng cellphone.
Ang bwisit na lalake sa buhay ko! Ang Halimaw!
Walang-iba kundi si Ben!
"Sandali! Akin na 'yang cellphone!" Iniiwas ni Ben ang kamay niya ng tinangka kong kunin sa kanya ang cellphone. May tiningnan siya sa cellphone. Kumunot ang kanyang noo. Pagkatapos ay may pinindot siya sa cellphone.
"Sinong may-sabi sayo na ipamigay mo ang number mo!?" Galit na sabi sa akin ni Ben.
"Ano bang masama don!?" Ganting tanong ko sa kanya.
"Marami!" Nakasimangot na ibinigay ni Ben ang cellphone kay Janice.
"Boyfriend mo Lara?" Tanong sa akin Janice.
"Hindi! Pi-pinsan ko." Sagot ko.
"Anong pinsan ka dyan!? 'Di kita pinsan!" Galit na sabi ni Ben sa akin.
"O? E, ba't ka nakikialam kay Lara." Tanong ni Julius kay Ben.
"Ano bang pakialam mo!?" Ang sama nang tingin ni Ben kay Julius. Akmang lalapitan pa ni Ben si Julius.
"Ano ka ba Ben!? Isusumbong kita kay Nanay!" Hinawakan ko siya sa braso.
"Magsumbong ka! Samahan pa kita!" Ang yabang talaga! Inis na hinampas ko siya sa kanyang braso.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa palengke. Nakakahiya!
"Mayabang! Bahala ka dyan!" Naglakad na ako pabalik sa tindahan nila Nanay.
Ilang araw ko nang hindi pinapansin si Ben. Kapag nasasalubong ko siya sa bahay. Umiiwas ako. Galit ako sa kanya. Minsan tumatawag siya sa akin o kaya naman nagtetext pero hindi ko sinasagot o nirereplayan man lang.
Pumasok ako sa loob ng tindahan. Si Nanay Gloria lang ang tao.
"O! Anong ginagawa mo dito Ben?" Tanong ni Nanay. Kasunod ko na pala 'yung halimaw!
"Napadaan lang po ako Tiya. Si Nanay po?" Tanong ni Ben kay Nanay Gloria. Pumasok siya sa loob ng tindahan at naupo sa tabi ni Nanay.
"Nandoon sa dulo ng palengke, nagbabanyo. Buti dumating ka may kasama si Lara. Sasaglit lang ako sa center. Magpapa-BP ako. Sobrang init ngayon, e. Usong-uso ang heatstroke." Kinuha ni Nanay ang bag niya. "Wag mo munang iiwan si Lara, a. Baka dumami ang customer mamaya, tulungan mo muna."
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...