Kabanata 5

423 81 0
                                    

"Kailangan ko nang umuwi!" Iyon lang ang nasabi ko. Sabay hila ko sa braso kong hawak ni Kenneth.

Hindi niya ako binitiwan. Hinila niya ako palapit sa kanya. Sa lakas nang pagkakahila niya sa akin ay sumubsob ako sa dibdib niya. Iniyakap niya ang kanyang mga braso sa bewang ko at inamoy niya ang buhok ko. "Ang bango, ah!"

"Bitawan mo nga ako!" Sabay tulak ko sa kanya. Ngunit hindi man lang siya natinag. Narinig kong nagtawanan ang mga lalakeng kasama niya.

Bakit ba ang daming maniac dito.

"Ano ba?! Sabing bitaw, eh!" Sigaw ko kay Kenneth.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang dibdib ko. "Mga pare! Ang lambot!"

"Bastos!" Sigaw ko sa kanya. Sabay angat ng kanang tuhod ko at tinuhod ko maselang parte ng katawan niya.

Nabitawan niya ako. "Aahh! Ang sakit!" Sigaw niya. Napaluhod siya hawak ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Umatras ako. Lalo akong nakaramdam nang takot.

Lumapit sa akin si Smooth at hinawakan ako sa kaliwang braso. "Alam mo bang pumapatol kami sa mga babae!" Galit na sabi niya sa akin.

Iling lang ang tanging nasagot ko.

"Ngayon alam mo na." Tumingin siya sa mga kasama niya. "Ano, mga p're?! Sinong  may gusto pagkatapos ko?"

Halos sabay-sabay silang nag-salita.

Hindi ko sila maintindihan. Sa sobrang takot ko, tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Wag kayong ganyan. Natatakot na siya..." Sabi ni Kenneth na dahan-dahang tumayo. Bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.

Binitiwan ako ni Smooth at lumapit si Kenneth sa akin. Yumuko siya para matitigan akong mabuti sa mga mata. "Papalampasin ko 'to. Masakit pa din 'to kaya 'di pwede ngayon." Sabay ngisi.

Hinawakan niya ang kanang pisngi ko. "Ang ganda mo talaga." Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

Hindi ako nakakilos agad dahil na rin siguro sa takot.

Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin mula sa likuran. Sa lakas nang pagkakahila sa akin ay muntik na akong matumba.

Ang bilis nang pangyayari. Nakita ko na lang si Kenneth na nakahiga sa semento. Hawak ang bibig na dumudugo.

Kahit nakatalikod sa akin ay kilala ko na agad kung sino ang gumawa noon kay Kenneth. Si Ben!

"Di ba sinabihan na kita! Na 'wag na 'wag mo siyang hahawakan!" Galit na sabi ni Ben.

"Grabe! Ang seloso mo namang boyfriend! Para hahalik lang, eh! Dati naman share tayo sa babae!" Nakangising sabi ni Kenneth kay Ben habang tumatayo.

Hindi nagsalita si Ben. Sinugod niya si Kenneth at sinuntok ng sunod-sunod sa mukha.

Natumba ulit si Kenneth sa semento at kinubabawan siya ni Ben.

"T∆ngina mo! Sinabi ko na sayo na 'wag na 'wag mong hahawakan si Lara!" Sigaw ni Ben kay Kenneth.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Inawat ni Smooth si Ben. Pero sinuntok din siya ni Ben sa mukha. Napaatras si Smooth.

"Isa ka pa, gag0! Akala ko kaibigan ka namin nila Franco!" Hinihingal na sabi ni Ben at hinarap si Smooth. "Traydor ka!"

Hindi sumagot si Smooth at tinulungan nitong tumayo si Kenneth.

"Hindi ikaw ang pangalawa kaya ligtas ka ngayon. Ihuhuli kita." Nakangising sabi ni Kenneth at nauna na itong umalis kasunod si Smooth at mga kasama nila.

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon