Kabanata 17
Mula sa labas ng gate ay rinig ko na ang maingay na motor ni Ben. Nauna akong umuwi sa kanya dito sa bahay. Kahit na sinabi niyang hintayin ko siya sa school.
"Bakit 'di mo ako hinintay?" Tanong niya agad pagkapasok niya ng bahay. "Hinanap kita kanina sa school, a!"
"Ang tagal kong maghihintay, e. Kaya umuwi na ako." Hindi ko siya nilingon man lang. Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa t.v.
Naupo siya sa tabi ko. "Di ba sabi ko sayo malapit na naming matapos 'yung project namin nung pinuntahan kita sa bench." Hindi ako nagsalita. Akmang hahalikan niya ako sa labi pero umiwas ako. Sa pisngi ko tumama ang labi niya. Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko. "Tsk!"
Malapit matapos? E, mas mabilis matatapos kung hindi siya nakipagkwentuhan kay Cathy sa canteen kanina. Nakita ko silang dalawa nang bumili ako ng bottled water sa canteen. Hindi ako napansin ni Ben dahil busy siya kay Cathy.
Alam naman niya na ayaw kong makikita siyang kausap si Cathy, pero ginagawa niya pa rin. May tiwala ako sa kanya kay Cathy, syempre wala! Ilang beses na niyang sinabi sa akin na hindi niya naging girlfriend si Cathy. Pero inamin rin niya na may nangyari sa kanilang dalawa noong hindi pa niya ako girlfriend. Baka mamaya biglang maghubad si Cathy sa harapan niya, hindi siya makatanggi!
Kung ako nga pinagbawalan niyang makipag-usap kay Julius, sinunod ko. Kahit na labag sa kalooban ko. Mabait sa akin si Julius noon at naging kaibigan ko siya.
"Uy, galit ka ba?" Hindi ko siya nilingon. "Nakita mo ba kami ni Cathy sa canteen kanina? Sorry na. May tinanong lang kasi siya sa akin, 'yun lang 'yon."
Nagtanong pa siya kung galit ako! Alam na naman niya ang sagot!
Pinatay ko ang t.v. at nagpunta ako sa kusina. Magluluto na lang ako ng hapunan namin. Aksaya lang sa oras ang maki-pagusap sa babaerong ito.
Sumunod siya sa akin sa kusina. Naupo siya sa harap ng mesa. "Tsk! Ayaw mo na naman akong kausapin." Nakasimangot na siya. "Ang selosa..." Bulong pa niya.
Tiningnan ko siya ng masama. Tinitigan niya ako. Ako ang unang umiwas ng tingin.
Narinig ko siyang bumuntong-hinga. "Anong lulutuin mo?"
"Wala." Sagot ko.
Sumandal lang siya sa upuan at pinanood akong magbalat ng sibuyas.
"Hay... Kundi lang kita mahal..." Bulong niya sabay alis at umakyat sa hagdan.
Pagkatapos kong mailuto ang adobong manok ay nagsaing na din ako. Hindi pa din bumababa si Ben. Baka natulog na.
Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko siya. Halos araw-araw kaming magkasama. Sabay kaming pumapasok sa school at sabay din na umuwi ng bahay. Sumasama din siya sa akin sa palengke para tulungan sila Nanay kapag wala kaming pasok sa school. Lagi siyang may binibigay sa akin na mga chocolates, cakes at bulaklak. Minsan tinatanong ako ni Nanay kung saan galing ang mga iyon. Hindi ko masabi na galing kay Ben ang mga iyon.
Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Malapit ng mag-six thirty ng gabi.
"Ang init." Sinuklay ko ng aking mga daliri ang aking mahabang buhok. Habang ipinupusod ko ito ay may yumakap sa akin mula sa likuran ko.
Kahit hindi ko tingnan ay alam ko na kung sino. Dadalawa pa lang kami dito sa bahay.
"Galit ka pa din?" Tanong ni Ben habang hinahalik-halikan ang batok ko.
"Bitiwan mo nga ako! Ang init!" Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakayakap sa bewang ko at pilit na inaalis. Pero mas lalo niyang hinigpitan ang pag-kakayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...