Kabanata 18
"Lara, gumising ka na anak." Tinapik-tapik ni Nanay Gloria ang pisngi ko.
Nasilaw ako sa sinag ng araw na galing sa bintana nang magmulat ako ng mga mata. "Anong oras na 'Nay? 'Di po kayo magtitinda?"
"Mag-aalas syete na. Linggo naman, 'di na muna kami magtitinda ng Tiya Charito mo kahit ngayon lang." Pinisil niya ang pisngi ko. "Bumangon ka na. May bisita ka."
"Sino po?"
"Ikaw na ang tumingin sa ibaba." Nakangiti siya sa akin.
"Nay, sabihin nyo na kung sino yun!" Naupo ako sa kama at ipinusod ko ang aking buhok.
"Tumayo ka na dyan, baka mainip na 'yun." Hinila niya ako patayo sa higaan.
"Baka naman si Ben 'yun 'Nay?"
"Hindi. Kasama nila Tiyo Dado at Tiya Charito mo sila Ben at Mikee. Nag-papaararo sila ng bukid. Para mataniman na bukas."
"Kanina pa po ba sila umalis?"
"Oo." Sagot ni Nanay. Mahina niya akong itinulak palabas ng kwarto. "Bago mag-tanghalian nandito na sila."
Lumabas na kami ng kwarto at bumaba ng hagdan ni Nanay. "Nay, sino ba kasi-" Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko kung sino ang sinasabi ni Nanay Gloria na bisita ko. "O-Oliver?"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Hi, Lara. Miss me?" Nakangiting tanong niya sa akin.
Ang gwapo pa rin niya. Mas pumuti siya ngayon. Tumangkad din siya. Halos magkasing-tangkad sila ni Ben. Mas malaki nga lang ang katawan ni Ben kaysa sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "Oo naman. Bakit ka umuwi? Kelan ka pa dumating?" Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. "Ikaw lang bang mag-isa?"
"Isa-isa lang ang tanong." Natatawang pinisil niya ang ilong ko.
"Aray... Buti marunong ka pang magtagalog." Biro ko sa kanya. Inalis ko ang mga daliri niyang nakapisil sa ilong ko.
"Lara, mag-hilamos ka muna. Mamaya na kayo magkamustahan ni Oliver." Sabi ni Nanay Gloria bago pumasok ng kusina.
"Ay.. Oo nga pala! Wait lang ha!" Hindi ko ba hinintay si Oliver. Nagpunta ako sa c.r. Naghilamos at nagtoothbrush. Pagkatapos ay lumabas din ako agad para puntahan si Oliver sa sala. Naabutan ko siyang nag-kakape.
"Kelan ka pa dumating?" Tanong ko sa kanya. Umupo ako sa sofa na nasa tapat niya.
"Kahapon lang." Ibinaba niya ang hawak niyang mug. "Buti naibigay mo sa'ken dati ang address nitong bahay nila Yaya Gloria."
"Ba't 'di ka man lang tumawag sa'ken na uuwi ka pala ng Pilipinas. Ang daya mo talaga."
Tinawanan niya ako. "Para ma-surprise ka." Iniabot niya sa akin ang isang paper bag.
"Ano 'to?"
"Pasalubong."
Tiningnan ko ang laman ng paper bag, mga chocolates. "Thank you. Buti 'di ka naligaw papunta dito. Sila Tita Lydia at Cynthia, 'di mo ba sila kasama?"
"Hindi. Ako lang mag-isa ang umuwi." Lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin. Hinawakan niya ang aking mga kamay. "Sorry sa ginawa ni Mommy sayo. Last week ko lang nalaman na pinaalis ka niya sa bahay noon. Ba't 'di mo man lang sinabi sa'ken?"
"Si-sinong maysabi sayo?"
"Si Cynthia. Ang alam ko 'yung bahay sayo talaga 'yun. Hindi ko alam lang kung pa'no nakumbinsi ni Mommy si Tito Jerry na ilipat sa pangalan niya ang titulo ng bahay." Tumigil siya sa pagsasalita nang dumating si Nanay galing sa kusina na may dalang kape at pandesal.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...