Kabanata 27

243 15 0
                                    

Muntik na akong matumba nang palabas ako ng elevator. Mabuti na lamang at napakapit ako sa pintuan bago magsara.

"'Hindi na talaga ako mag-iinom..." Bulong ko habang hinuhubad ang sandals ko. Pakiramdam ko, madudulas ako kaya nag-yapak na lamang ako at dinala ang sandals ko ng magkabila kong kamay.

Huminga muna ako ng malalimlim bago naglakad. Umiikot ang paningin ko. Humahawak ako sa pader sa bawat paghakbang ko para hindi ako matumba.

"Ano nga pala 'yong number nag kwarto namin ni Mikee?" Pilit kong inalala kung anong numero iyon habang naglakakad. "408?"

Tumigil ako sa tapat ng isang pinto at tiningnan ang numero harapan ko. "402 ba 'to?" Inilapit ko pang mabuti ang aking mukha para mabasa ang numero. Ang tingin ko kasi ay gumagalaw ang mga ito. "402 nga! Okay, okay. D'on pa, Lara."

Ilang hakbang pa ang ginawa ko para makarating sa susunod na pinto. "408? Ito na agad?" Tumawa pa ako. "Ang bills kong maglakad!" Isinandal ko muna ang noo ko sa pinto dahil mas nahihilo na ako ngayon. "Mikee! Wala akong susi! Buksan mo 'tong pinto!" Pinihit ko ang doorknob. Bumukas ang pinto. "Mikee! 'Di ka nag-la-lock ng pinto!" Pinilit kong pumasok sa kwarto, kahit hilong-hilo na. "Pero okay lang na 'di mo ini-lock. Nakapasok ako! Tulog ka na ba!?"

Inihagis ko ang sandals ko sa sofa at naupo doon. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan at pumikit. Wala na akong planong pumasok sa kwarto para doon matulog. "Mikee! Dito na ako matutulog, a! Inaantok na ako!"

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.

"Gising ka pa-" Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang iminulat ko ang aking mga mata. Nakatayo doon si Ben. May hawak siyang cellphone na nakatapat sa kanyang tenga, na ibinaba rin niya agad at inilagay sa bulsa ng short niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Iyon agad ang nasabi ko.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Balik na tanong niya sa akin. Isinarado niya ang pinto ng kwarto.

"Amin 'to ni Mikee, kaya ako nandito." Sagot ko.

Ngumiti siya at nag-lakad palapit sa akin. Tumigil siya sa harap ko. " Sa pagkakaalam ko. Kwarto ko 'to."

"Ano?" Pa'no mo naging  kwarto 'to, eh. Kwarto namin 'to ni Mikee." Pinilit kong tumayo kahit hilong-hilo na. Nilampasan ko siya at nagpunta sa kwarto. Binuksan ko ang pintuan. Tanging kama lamang ang nandoon, wala si Mikee. "Nasa'n si Mikee?"

"Nasa kwarto n'yo na. Inihatid ni Aldritz. Katatawag lang niya. Pupuntahan ko sana kayo at nagpapatulong siya. Bumalik lang ako dito, naiwan ko 'yung susi nitong kwarto. Paalis na sana ulit ako..." Sabi ni Ben mula sa likuran ko. "Nagkamali ka ng kwarto ng pinuntahan."

Ang  huling sinabi niya lang ang pinansin ko. "Ako, nagkamali?" Humarap ako sa kanya. "Okay. Sorry." Nilampasan ko siya at nag-lakad papunta sa pintuan.

"Baka naman sinadya mong pumunta dito."

Tumigil ako sa paglalakad at sumandal sa pader. "Sinadya ko?" Natawa ako sa sinabi niya. "Patawa ka, a!"

"Sinadya mo dahil alam mong kwarto ko 'to." Naka-ngisi na siya ngayon.

"Excuse me? Kung alam ko lang na kwarto mo 'to, hinding-hindi ako pupunta. Anong palagay mo sa'ken? Naghahabol sayo?"

Nagkibit-balikat siya, na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Malay ko ba na may gusto ka pa rin sa'ken. Tingin ka nga nang tingin sa'ken kanina sa bar."

Umiling ako. Masa lalo akong nahilo kaya humawak ako sa pader. "Feeling ka, a! Mamaya nandito 'yong girlfriend mo, maniwala sa mga sinasabi mo!"

"Tayong dalawa lang ang tao rito."

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon