Kabanata 9

391 69 0
                                    

Habang nasa byahe ay napansin kong iba ang dinadaan namin ni Ben. Hindi iyon ang saan pauwi.

"Wait lang! Iba ata ang dinadaanan natin, a." Sabi ko kay Ben.

"Iba nga."

"Saan tayo pupunta?"

Hindi siya sumagot.

"Uy! San tayo pupunta?"

"Basta."

"Anong basta ka diyan?! Ibaba mo na lang ako diyan sa may tabi ng kalsada. Uuwi na lang akong mag-isa, kung may pupuntahan ka pa."

"Kakain lang tayo, nagugutom na ako."

"Bakit 'di na lang sa bahay tayo kumain?"

"Nagugutom na nga ako, nagluluto pa sa bahay."

"Paano mo nalaman?"

"Hula ko lang."

Hindi na ako nagsalita.

Mabuti na rin ito. Para masabi ko sa kanya na tigilan na niya ang pagsasabi sa ibang tao na girlfriend niya ako at 'yong parang nanliligaw siya akin sa harap ng mga kaibigan niya na hindi naman totoo.

Ilang minuto pa ang nakalipas, itinigil niya ang motor sa tapat ng isang restaurant.

"Tara." Inalalayan niya akong makababa. Kinuha niya sa akin ang clear folder case ko at siya ang nagdala.

Madami ng tao sa loob ng restaurant. Mag-ta-tanghalian na kasi.

"Doon tayo." Turo niya sa may bandang dulo ng restaurant. Sumunod ako sa kanya. "Anong gusto mong kainin?" Tanong niya nang makaupo ako.

"Kahit ano."

"Walang kahit ano dito." Tinalikuran niya ako. Nagpunta siya sa counter para umorder.

Sira-ulo talaga! Ibig kong sabihin kahit na anong orderin niya!

Pinanood ko siya habang umo-order. Ang tangkad talaga niya. Hanggang balikat lang niya ako. Ano kayang height niya?

Lumingon siya sa akin. Nahuli niyang nakatingin ako sa kanya. Napangisi siya. Nag-iwas ako nang tingin. Pinanood ko na lang ang mga tao na dumadaan sa labas ng restaurant. Nakakita ako ng bata na akay-akay ng isang may edad na babae.

Naalala ko bigla si Mama. Nasaan na kaya siya? Na aalala pa kaya niya ako?

"Haaaaay...." Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ang lalim, a! Gutom ka na ba?" Tanong ni Ben nang nakabalik na siya sa mesa. Naupo siya sa may harapan ko.

"Hindi." Nakasalung- baba kong sagot. Hindi ko siya nilingon.

"Bakit 'di ka nag-reply sa text ko?"

"Di ko pa nababasa."

"Hawak mo kanina ang cellphone mo, a! Hindi mo 'man lang binasa?"

Doon ko lang siya nilingon. "Heto na, babasahin ko na." Kinuha ko ang cellphone sa sling bag ko at binasa ang dalawang text messages na pareho lang naman ang laman.

JB

Bakit 'di mo sinabi saken na may ginawa sayo si Kenneth, a!!!!!!!!!!!?????????

Grabe sa exclamation point at question mark! Sino si JB?

Tumingin ako sa kanya.

Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Sino yung JB?" Tanong ko sa kanya.

"Ako."

Kumunot ang noo ko. "Paano ka naging si JB?"

"Jan Benedict."

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon