"Ano ba..." May pumitik sa aking noo. Dahil antok na antok pa rin ako, hindi na ako nag-abalang imulat ang mga mata ko. Kinapa ko ang unan sa may tabi ko at niyakap.
Nakarinig ako ng mahinang tawa. Inis na iminulat ko ang aking mga mata.
"Good morning, mahal na prinsesa."
Bigla akong bumangon at sumiksik sa dulo ng kama.
Ang walanghiyang si Benedict! Siya agad ang una kong nakita ngayon araw! "Anong ginagawa mo dito?"
"Pinagigising ka na po ni tiya, tanghali na." Nakangisi siya sa akin.
"Tanghali na?" Napatingin ako sa kama. Wala na si Nanay Gloria. Sunod sa nakabukas na bintana, ang taas na ng sinag ng araw.
Oo nga pala. Wala na ako sa bahay namin.
"Ten-thirty na po. Akala ko kailangan mo nang kiss para magising ka." Pang-aasar niya.
Wala sa sariling tinakpan ko ang aking bibig. Ang aga-aga naman niyang sirain ang araw ko. Inirapan ko na lang siya. Umalis ako sa kama at lumabas ng kwarto.
Sinabayan niya ako palabas. "Masarap ba ang tulog mo?"
Hindi ko siya sinagot, binilisan ko ang pagbaba sa hagdan.
"Suplada naman." Sabi niya at sumunod sa akin.
Dumiretso ako sa kusina. Nakita ko si Nanay na nagluluto. "Nay, sorry tinanghali ako ng gising."
"Okay lang anak, alam kong napagod ka kagabi sa byahe. Mag-ayos ka na, nasa c.r. na toiletries mo."
"Opo." Dumiretso ako sa c.r.
Pagkatapos kong mag-hilamos at magtoothbrush ay lumabas na ako. Naabutan ko si Ben na nagkakape sa lamesa. Tanghali na din palang gumising.
"Lara, magkape ka na. May pandesal din dito." Inilapag ni Nanay ang isang mug ng kape sa lamesa. Hinila niya ang upuan sa tabi ni Ben. "Upo ka na."
Kapag minamalas ka nga naman, katabi ko pa ang walanghiya.
Naupo na lang ako sa tabi niya.
"Lara, sasama ka ba kay Mikee mamaya?" Tanong ni Nanay habang nagluluto.
"Okay lang po ba na sumama ako?"
"Oo naman, tiyak na masaya dun. Birthday ni Maddie, kaibigan ni Mikee."
"Sige po. Kayo po 'di po ba kayo sasama?"
"Hinde, may aasikasuhin kami ng Tiya Charito mo. 'Yong kukunin naming pwesto sa palengke. Ihahatid na lang namin kayo doon sa bahay nila Maddie. Ipinaayos na ng Tiyo Dado mo 'yong tricycle." Sagot niya. "Nako! May nalimutan ako, pupunta lang ako sa likod-bahay mangunguha ako ng talbos ng sili." Lumabas na siya at naiwan kami ni Ben sa kusina.
Napalingon ako kanya na busy sa pagkain ng pandesal. Tumingin siya sa akin at inalok ako ng pandesal na nasa brown na supot.
"Kasama ka rin ba?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "May lakad kami ng barkada ko."
"Buti naman." Bulong ko sa sarili.
"Ano?"
"Sabi ko ingat ka." Kumuha ako ng pandesal.
Nakatitig siya sa akin habang kumakain ako.
Nakakailang. "Bakit ka nakatingin?"
"Masarap ba?"
"Ang pandesal? Oo, bagay sa kape." Walang ganang sagot bago uminom ng kape.
"Hindi."
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...