Kabanata 21
"Girls? May tanong ako." Napabaling ang tingin namin kay Pia. Nakatambay kami ngayon sa isang fast food. Kasama ko sila Mikee, Maddie, Pia, Jeannie at Ayeen. Summer na ngayon at nasa kalagitnaan na ng bakasyon namin sa school.
"Tungkol sa saan?" Tanong ni Jeannie bago sumubo ng french fries.
Bumuntong-hininga muna si Pia bago mag-salita muli. "Sa tingin n'yo? P-pwede kayang m-mabuntis agad ang isang girl kahit na... isang beses pa lang na may nangyari sa kanila ng isang boy?"
"Ba't mo naman natanong 'yun?" Balik na tanong ni Ayeen. "Wag mong sabihing may nangyari na sa inyo ni Franco!"
Hindi agad nakasagot si Pia. Pulang-pula ang kanyang mukha. "W-wala, a. Hindi naman kami." Pagtanggi niya sabay inom ng juice.
"Pwede?" Sagot naman ni Jeannie.
Tama si Jeannie... Pwede...
"At 'di gumamit ng condom 'yung boy." Sagot naman ni Maddie. Tumingin kaming lahat kami sa kanya. "O? Bakit? Totoo naman ang sinabi ko!"
Hindi gumamit ng condom si Ben!
"Oo nga naman, tama si Madz." Ngumisi si Ayeen. Hininaan niya ang sunod niyang sinabi. "Lalo na kung sa loob nung girl inilabas nung boy 'yung chorva niya!" Sinundan pa niya nang malakas na pagtawa.
Sa loob ko rin ata inilabas ni Ben ang- Diyos ko!
"Oh my god... Pa'no kung buntis ako?" Bulong ni Pia na narinig rin naman namin.
"Sabi mo walang nangyari sa inyo ni Franco?" Naguguluhang tanong ni Maddie.
"I-isang beses lang 'yun! Lasing sya nun. 'Di ko nga alam kung natatandaan pa niya na may nangyari sa'ming dalawa." Problemadong-problemado ang itsura niya. Mukhang ilang araw na rin siyang hindi nakakatulog.
"Anong nararamdaman mo sa katawan mo?" Tanong ko.
"Minsan nahihilo ako. Ilang araw na akong nagsusuka sa umaga. Magda-dalawang buwan na akong delayed." Napainom ulit siya ng juice.
Halos parehas kami nang nararamdaman ni Pia.
Mag-two-two months na akong hindi dinadatnan. Ilang beses na rin akong nahihilo. Pinagpapasalamat ko na lang na wala akong kasama sa bahay kapag nagsusuka ako.
"Nag-try ka na bang gumamit ng pregnancy test?" Tanong ni Jeannie kay Pia.
"Di pa. Kinakabahan ako. Pa'no kung buntis nga ako? Patay ako kay Daddy!" May namumuong mga luha sa mga mata ni Pia.
Kinakabahan rin ako... Paano kung buntis rin ako... 'Di ko rin alam kung anong gagawin ko...
"Ano ka ba siguraduhin mo muna kung buntis ka nga talaga, bago mo problemahin 'yan!" Sabi ni Mikee.
"Kung buntis ka man, nandito kami. Tutulungan ka namin. 'Wag kang matakot." Inakbayan ni Jeannie si Pia.
"Oo nga. Pero bago ang lahat bumili muna tayo ng pregnancy test, para malaman mo kung buntis ka nga o hindi." Kinuha ni Mikee ang kanyang bag at lumabas ng fast food. Sumunod kami sa kanya.
"Saan ba may malapit na drugs store dito?" Tanong ni Jeannie.
"May alam ako, malapit lang dito." Sabi ni Ayeen.
"Tara na!" Sabi ni Mikee.
"Wait lang!" Pigil ko sa kanila. Nagtatakang lumingon sila sa akin.
"Bakit?" Tanong ni Mikee.
"Di ako makakasama. P-puntahan ko nga pala sila Nanay sa palengke." Lumapit ako kay Pia. "Pasensya ka na Pia, di ako makakasama sa inyo."
"Okay lang, Lara. Si Mikee na lang ang bahalang mag-sabi sayo mamaya kung magiging Ninang ka na din." Ngumiti sa akin si Pia.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...