Pagkarating namin sa may Calamba ay sumakay naman kami ng jeep byaheng San Pablo. Traffic daw ngayon sa may parteng Pansol at Los Baños sabi ni Nanay Gloria. Summer kasi, madaming mga nag-a-outing. Kaya inabot na kami ng mahigit dalawang-oras bago nakarating sa Calauan.
"Hihintayin na lang natin si Dado, asawa ng kapatid ko. Wala kasing na byaheng tricycle kapag gabi papunta samin. Parating na iyon tinext ko na kanina, sinabi ko din na kasama kitang uuwi." Sabi ni Nanay Gloria habang naghihintay kami sa may harapan ng plaza.
Tanging ilaw lang ng poste at mga ilaw ng mga sasakyang dumadaan ang nagsisilbing liwanag. Hindi ko makita ang buwan, natatakluban ito ng makakapal na ulap.
Mga ilang minuto kaming naghintay nang may tumigil na motor sa aming harapan.
"Oh, Dado. Bakit naka-motor ka?" Tanong ni Nanay. "Sa taba kong ito wala ng mauupuan diyan si Lara."
"Nako, 'te. Plat ang isang gulong ng tricycle. Hiniram ko lang itong motor ni Jet. Papunta na si Ben dito, tinawagan ko na kanina bago ako umalis ng bahay." Sabi nito at tumingin sakin. "Siya ba si Lara?"
"Oo." Sagot ni Nanay Gloria. "Siya si Tiyo Dado mo, asawa siya ng kapatid ko." Sabi naman niya sa akin.
"Good evening po." Bati ko kay Tiyo Dado.
"Good evening din, iha." Ganting bati niya sa akin. Lumapit siya kay Nanay Gloria at kinuha ang bag nito. "Ginabi na kayo, Ate."
"Sobrang traffic ngayon sa may Pansol at Los Baños, daming nag-a- outing. 'San ba nagpunta si Ben?"
"Sa barkada na naman ata, hindi natigil sa bahay 'yong batang 'yon 'te." Sabi ni Tiyo Dado habang inilalagay ang bag ni Nanay sa may motor. "Napagod ka ba sa byahe niyo, Lara?"
"Hindi po, Tiyo-" Napatigil ako sa pagsasalita nang may tumigil na motor sa harapan ko.
"Oh, Ben. Saan ka na naman galing na bata ka?" Si Nanay.
"Diyan lang po sa tabi-tabi, Tiya." Sabi nito, sabay ngiti kay Nanay. Hindi ito bumaba ng motor at tumingin sa akin.
"Tabi-tabi ka diyan. Ikaw talagang bata ka!" Sabi ni Nanay habang umaangkas sa motor ni Tiyo Dado."Tara na, uwi na tayo. Lara, anak pamangkin ko yan si Ben. Diyan ka na umangkas sa motor niya, noong huli akong umangkas diyan muntik na akong atakihin sa puso. Ang bilis magmaneho."
"Ben, 'wag masyadong mabilis mag-motor." Si Tiyo Dado.
"Opo 'tay."
"Magkita na lang tayo sa bahay, Lara." Sabi ni Nanay Gloria sakin at nauna na silang umalis.
"Akin na ang bag mo." Seryosong sabi ni Ben. Kinuha niya ito sa akin at inilagay sa may bandang harapan niya. "Angkas ka na."
Umangkas na ako sa motor.
"Libreng humawak." Sabi ni Ben.
"Hindi na. Salamat na lang."
"Okay." Papaandarin na sana niya ang motor ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Oh, ano?" Tanong niya sa kabilang linya. "May sinundo lang ako, sige na uuwi na kami. Baka inaantok na 'to. Gago!" Pinatay na niya ang tawag at ibinalik sa bulsa ng pantalon ang kanyang cellphone at pinaandar ang motor.
Mangilan-ngilan na lang ang nabyaheng sasakyan dahil siguro maghahating-gabi na. Halos ingay na lang ng motor ni Ben naririnig ko.
Habang tumatagal ay bumibilis ang pagmamaneho niya. Akala mo kasali sa karera.
Buti na lang at ipinusod ko ang buhok ko kanina kung hindi magliliparan ito sa mukha ko.
"Kuya, pwedeng bagalan mo ng konti!" Sigaw ko. Humawak ako sa balikat niya sa takot na mahulog.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...