Kabanata 19
Kinulbit ako ng kaklase kong si Debbie. Katatapos lang ng huling klase namin ngayong araw. "May nag-hihintay sayo sa labas." Sabi niya nang nilingon ko siya. Itinuro niya si Mikee na nasa labas ng classroom. Tapos na din siguro ang klase niya.
Isinukbit ko ang aking bag sa aking balikat at kinuha ko ang tatlo kong libro na nasa ibabaw ng armchair at lumabas na ako ng classroom.
"Tapos na din ba ang klase mo?" Tanong ko kay Mikee. "Sabay na tayong umuwi."
"Tapos na kaya lang, sa bahay ako ng classmate ko ako matutulog. Kailangan naming tapusin 'yung group project namin, e." Iniabot niya sa akin ang susi ng bahay.
"O, sige. May dala kang pamalit na damit?"
"Manghihiram na lang ako sa classmate ko. Nga pala tumawag sa'ken si Tatay. 'Pag katapos daw ng libing ni Tiya Lolita bukas. Uuwi daw sila agad." Sabay kaming nag-lakad palabas ng University.
Limang araw na sila Nanay sa Maynila. Limang araw na din akong hindi pinapansin ni Ben. Grabe siyang magtampo. Ilang beses nang sinabi ni Mikee sa akin na lambingin ko daw. Ayoko nga! Bahala siya!
"Hindi din ata uuwi si Ben mamaya. Sabi ni Aldritz, mag-iinuman daw sila sa bahay ni Franco mamayang gabi." Dagdag pa ni Mikee.
"Mikee, tara na!" Tawag ng kaklase ni Mikee.
"Tinatawag ka na nila. Sige na. Ingat!"
"Oo, i-lock mo agad ang mga pinto 'pag dating mo sa bahay, a! Umuwi ka na agad. Baka abutan ka ng ulan." Nag-lakad na siya palapit sa mga kaklase niya.
Tumingin ako sa langit. Parang uulan nga, makulimlim. Wala akong dalang payong. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. May isang text doon. Babasahin ko na sana ito ng biglang tumawag si Oliver.
"Hello, Ollie?"
"Hi, Lara? Hihintayin kita sa labas ng school niyo."
"Nasa labas na ako ng school. Baket?"
"Tapos na ang klase mo?"
"Oo." Inilibot ko ang mga mata ko, hinanap ko si Oliver. Nakita ko siya agad. Nakasandal siya sa kanyang kotse. Hindi pa niya ako nakikita. "Ollie!" Tawag ko sa kanya. Ibinaba ko na ang tawag at inilagay ko sa bag ko ang cellphone ko.
Nakangiting lumingon siya sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo nang nakalapit ako sa kanya. "Meryenda tayo?" Tanong niya nang bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin.
"Sige."
"Sa malapit na lang tayo. Mukhang uulan, e." Ipinagbukas niya ako ng kotse.
Akmang sasakay na ako sa kotse ni Oliver nang may tumawag sa akin.
"Lara!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Brylle, kasama niya si Franco.
Lumapit silang dalawa sa amin ni Oliver. "San ka pupunta?" Tanong ni Brylle.
"Mag-memeryenda lang kami. Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Ito ang unang beses na kinausap niya ako. May pagkasuplado din kasi ang isang ito, parang si Franco.
Tiningnan niya si Oliver. "Iuwi mo agad si Lara."
"Bakit? Sino ka ba?" Tanong ni Oliver kay Brylle, halata sa boses niya ang inis.
"Ikaw? Sino ka din ba?" Ganting tanong ni Brylle kay Oliver.
"Ano bang pakialam mo?" Galit na si Oliver.
"Ollie, tama na." Hinawakan ko siya sa braso nang akmang lalapitan niya si Brylle.
"Basta, iuuwi mo siya agad sa bahay." Tumingin muna siya sa akin bago siya tumalikod sa amin. Akala ko aalis na siya, humarap ulit siya sa amin ni Oliver. "Nga pala, hindi mo siya pwedeng isama sa Amerika. Dito lang siya." Pagkasabi niya noon ay umalis na siya kasama si Franco.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionKinupkop si Lara ng dati niyang Yaya at isinama sa probinsya nito nang namatay ang step-father niya. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at bagong mga kaibigan. Nakilala din niya ang lalake na mamahalin niya, si Jan Benedict Rosales. Pero ito din pala...