Kabanata 10

424 72 1
                                    

Kinaumagahan ay nagising ako nang wala si Nanay Gloria sa aming kama. Ang aga talaga niyang magising.

Kinapa ko ang cellphone sa ilalim ng unan ko. Six twenty-five na pala.

Binasa ko ang mga text ni Ben sa akin kagabi.

JB

Gising ka pa ba?

Nandito ako sa kusina. Mag-usap tayo.

Bumaba ka naman.

Iintayin kita dito.

'Sarap marinig non.' Sabi sa huling text niya.

Ano 'yun!?

Akala niya siguro na kaya ako bumaba ng kusina kagabi ay para makipagusap sa kanya.

Unti-unti kong naalala ang nangyari kagabi.

Diyos ko! Ako ba talaga 'yung umungol kagabi? Nakakahiya talaga. O baka siya yun? Hindi, ako ata talaga 'yun!

Ayaw ko ng maalala!

Para akong tanga kagabi. Kinapa-kapa ko pa ang daan sa kusina. Hindi ko alam kung saan banda ang switch ng mga ilaw. Pati pag-akyat sa hagdan, pahirapan pa. Buti na lang hindi ako nagkamali ng pinasukang kwarto.

Bumangon ako at naupo sa kama.

Tiningnan ko ulit ang cellphone.

Naka-sampung missed calls pa siya kagabi.

Parang ayokong lumabas ng kwarto. Ayaw kong makita si Ben!

Pero nakakahiya naman kila Nanay kung hindi man lang ako lalabas at tutulong dito sa bahay.

Tumayo na ako at inayos ko ang aking buhok. Ginawa ko itong messy bun.

Kinuha ko ang aking bath towel na naka-sabit sa likod ng pinto at lumabas na ako ng kwarto.

Saktong paglabas ko sa kwarto ay paglabas din ni Ben sa kwarto niya.

Nakaboxer short lang ang loko. Napatingin siya sa akin. Nagtagal ang tingin niya sa aking leeg.

Umiwas ako sa kanya. Inunahan ko na siyang bumaba sa hagdan.

Naramdaman kong sumunod na din siya sa akin.

Si Mikee lang ang nasa kusina. Nag-aalmusal na siya.

"Good morning, mga lovers! Sabay pa talaga kayong gumising, a. Kain na kayo." Sabi ni Mikee. Napatingin siya sa aking leeg. "Malamok ba kagabi Lara?"

"Hindi naman. Bakit?" Tanong ko sa kanya at pumasok na ako sa c.r. para mag-hilamos at mag-tootbrush.

"Ikaw ba ang gumawa nun?" Narinig kong tanong ni Mikee sa kusina.

"Nang ano?" Sagot na tanong ni Ben kay Mikee.

"Sira-ulo ka talaga!" Sigaw ni Mikee kay Ben. "Isusumbong kita kay Tiya Gloria!"

Ano kaya yung pinag-uusapan nila?

Tumahimik silang dalawa ng lumabas ako ng c.r.

Si Ben naman ang pumasok sa c.r.

Nagtimpla ako ng kape at naupo sa tapat ni Mikee.

"Na'san sila Nanay, Mikee?" Tanong ko.

"Nasa likod sila ni namumuti ng gulay. Ayaw mo pang kumain? May pandesal pa." Iniabot niya sakin ang supot na may pandesal.

"Salamat." Kumuha ako ng isa.

Habang kumakain kami ay dumating sila Aldritz at Jet.

"Magandang umaga! Mga magagandang binibini!" Bati ni Aldritz sa aming dalawa ni Mikee.

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon