Liham #7

63 7 1
                                    

Mahal naming Binibining Mia, 

         Maraming salamat po sa iyong magagandang akda. Ang iyong mga akda po ay nagbigay ng aliw at inspirasyon sa akin. Mula ILYS1892 hanggang Duyog na aking hinihintay ang tuwinang update mo po. Maraming salamat po dahil ang iyong mga akda ang siyang naging sandigan ko sa malungkot at walang kabuluhan kong Pandemic Life. Maraming salamat po dahil ang iyong mga akda ang siyang naging dahilan sa aking kahiligan sa Kasaysayan ng ating mahal na bayan, lalo na ang ILYS1892 na siyang nagpamulat sa akin na mahalin at i appreciate ang sariling atin. Ang iyong mga akda man po ay nagbigay ng sakit sa aking puso dahil sa mga kaganapan sa pangunahing tauhan ng iyong mga kwento ay worth it parin dahil sa mga aral na naituturo o napupulot namin mula sa iyong mga akda. Hinding-hindi ko po malilimutan ang bawat segundo, minuto, at oras na aking inilalaan matapos at mabasa lamang ang iyong mga nobela. Ang gaganda po, lalo na ang ILYS1892, Salamisim at Losiento, Te amo na aking mga paborito. 

          Sa uulitin po, Maraming-maraming salamat po! Maligayang kaarawan po, Inay Mia! Akin pong hinihiling na sana ay hindi po kayo mapapagod na gumawa ng mga nobela na siyang patuloy na nagbibigay inspirasyon sa aming mga sunshine. Sinisinag po kita! And hoping to see you soon po! 🧡✨

Sincerely yours, 
Bleteunicus—AUniqueSunshine

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon