Liham #30

26 4 0
                                    

Mahal kong Binibining Mia, 

         Maligayang ika-26 na kaarawan, Inay Mia. Nawa'y ma-enjoy mo ang iyong kaarawan. Cutiee, pareho po tayo ng buwan ng kapanganakan, noong ika-labing isa ang aking kaarawan heheeueueue. Una po sa lahat, nagpapasalamat ako na nakilala kita at ang iyong mga akda na nagbigay sa akin ng napakaraming aral at inspirasyon. Ikaw at ang mga akda mo ang naging dahilan para bumalik ulit ako sa pagbabasa at nagiging takbuhan ko sa tuwing nais kong takasan sandali ang reyalidad. Dahil sayo natutunan kong mahalin ang mga storya na may masakit at malungkot na wakas at hindi lang 'yon pati ang i-appreciate kahit na ang mga maliliit na bagay na nangyayari at nakukuha natin sa buhay. Dahil din sa mga akda mo binibini natutunan kong mahalin lalo ang kasaysayan natin, also through it marami akong nalaman tungkol sa kung paano pa nga ba ang buhay noong nasasakop pa tayo ng ibang bansa. Naalala ko pa nga mga rants at kwento ko sa kaibigan ko sa tuwing binabasa ako ang mga istorya mo, sobrang saya balikan lalo na dalang dala talaga ako at kung paano ako magtago lagi sa tuwing nasa part na ako na alam kong iiyak talaga ako ng timba timbang luha HAHAHAHAHAHA chz. Wala sawa kitang susuportahan, Inay! Nandito lang kaming mga, sunshines mo para sa'yo. Ikaw at ang mga akda mo ang isa sa pinaka-magandang Salamisim na babaunin ko habang buhay. Ngayong kaarawan mo ay hinihiling ko na nawa'y matupad lahat ng Hiraya mo sa buhay. I, also wish for your happiness, good health and safety. Enjoy your day! 

        Muli, ako'y bumabati ng Maligayang Kaarawan, Binibining Mia! 🎉✨ Ich liebe dich, je t'aime, te amo, sinisinag kita! 

Sincerely yours, 
blueriry💛🌻

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon