Liham #39

19 4 0
                                    

Para sa hinahangaan kong manunulat, 

        Nais ko lamang pong bumati ng isang Maligayang Kaarawan sa inyo! Nais ko ring sabihin sa inyo na lagi naming hangad ang mabuti para inyo at matupad ang inyong mga pangarap. Lubos kaming nagagalak na pagmasdan ang iyong paglipad na tila isang agilang hinahabol ang kanyang mga mithiin. 

       Isulat ang laman ng puso. Tumakbo, huwag titigil at huwag susuko. Iyan ang aming paalala sa iyo, Binibini. 

         Hindi pa natin nasisilayan ang isa't isa ngunit sinasabi ng bawat salitang iyong sinulat na ang puso mo'y ginto at handang magtatak ng mga aral sa iyong mga mambabasa. 

           Lubos ang aming pasasalamat sapagkat ikaw ang gumawa sa mga karakter na sa ami'y nanakit, sa ami'y nagturo, at aming minahal. 

           Mahal kita. Ako'y lubos na nagpapasalamat sapagkat naging matapang ang iyong loob na iparinig sa buong mundo ang iyong boses.

           Dahil ang bawat kwento, bawat karakter at bawat trahedyang iyong naisulat ay amin ding minamahal at siyang tumatatak sa aming mga puso. 

          Muli, kami'y bumabati ng maligayang kaarawan para sa inyo, Binibini. Hangad namin ika'y maging maligaya sa bawat araw ng iyong buhay. Laging mag-ingat at pag-ingatan dibg naman ang kalusugan.

Sincerely yours,
aozelle 

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon