Mahal kong Binibining Mia,
Magandang araw, Binibining Mia!Ako ay taos-pusong nagpapasalamat na nakilala kita. Hindi nang personal, dahil hindi pa ako nakakadalo ng iyong mga book launch, ngunit sa pamamaraan nang pagbabasa ng iyong mga akda. Pero sana ay makadalo na ako at makapapirma mismo ng aking mga nabili na na libro mo. Sana isang araw ay pumunta ka sa Bohol.😉
Ang una ko nga palang nabasa ay ang ILYS1892. Hinding-hindi ko iyon kalilimutan, minsan ay bigla ko nalang ito naaalala at nalulungkot parin ako. Nais ko sana magkaroon ng kopya nito kaso wala ng prinint na ibang kopya. Nakakapanghinayang. Sana ay magkaroon ulit ng reprint. Ngunit meron naman ako ng OALS at Salamisim. Hinihintay ko pa ang iyong mga ipupublish na akda sa mga susunod na buwan o taon. Ako ay isang tunay na abangers ng iyong mga libro.😁
Gusto ko ring ipaabot ang aking paghanga sa iyong akdang Lo Siento, Te Amo. Sobrang sakit naman non. Isa iyon sa mga paborito kong akda mo.Siya nga pala, isa ako sa maswerteng nakatanggap ng libreng Salamisim book noong Sinagdiriwang 2022. Labis ang aking tuwa noon. Hindi ko talaga inaasahan. Maraming maraming salamat!
Nais ko rin magpasalamat dahil bukod sa inaaliw mo kami ay tinuturuan mo rin ang iyong mga mambabasa patungkol sa kasaysayan, pagpapakatao, mabuting asal, at marami pang iba. Mas lalo pa akong humanga sa iyo ng malaman ko na psychology graduate ka pala. Ako kasi ay 3rd year psychology student, naisip ko na kaya pala ganun nalang ang connection ko sa mga akda mo. Kaya pala. Ikaw ang pinakapaborito kong manunulat sa ating bansa. Kaya naman, sa iyong kaarawan, nais kong bumati rin sa iyo ng Happy Birthday. Ipagdarasal ko rin ang iyong kalusugan, physically and mentally. Alam kong nakakapagod din ang iyong ginagawa, ngunit alam kong mahal mo rin ang pagsusulat. Kaya ipagdadasal ko na mas magpatuloy ang iyong mga nakakamit na tagumpay sa iyong larangan. Dasurv mo ang iyong mga nakakamit dahil ikaw ay isang pambihirang binibini. 💛🌻
Sincerely yours,
graciagray_
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...