Liham #71

13 2 0
                                    

Mahal kong Binibini Mia, 

     Maligayang Kaarawan Mahal naming Binibini at ang Inay ng mga Sunshine's, Bb.Mia!

      Halos apat na taon na rin noong simula kong mabasa ang I LOVE YOU SINCE 1892 at simula non ay nagtuloy tuloy na ang lahat. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko ang kauna-unahang author na bumihag sa puso ko, nagpakilig, nagpatawa at nagpaiyak (syempre si Inay yan ehh iiyak at hahagulgol ka talaga d'yan hahhaha). Maraming salamat sa Diyos dahil binigyan ka niya ng regalong talento sa pagsusulat dahil doon nakilala namin ang mga ibat ibang tauhang nagbigay sa amin ng aral,pag-asa at inspirasyon. Ang mga Mi Ginoo na talaga namang nag set sa amin ng Standard na napakataas, dahil tunay naman na sila ay mga walking green flags.(Pakidala po sana si Cristobal sa real world, please Inay naiiyak na 'ung tao ohh! Char!)

        Ikaw ang naging inspirasyon at nagpamulat sa akin sa isang pangarap-Maging isa ring manunulat katulad mo. Sana balang araw kapag nakapagsulat na rin ako ng kwento sa libro ay maibigay ko iyon sa'yo, bilang pasasalamat na dahil sa iyo at mga akda mo ay natuto akong mangarap. Sana balang araw ay maging matagumpay din akong manunulat katulad mo. 

            Sa iyong kaarawan ay hinihiling ko na sana ay maging masaya ka at laging sumaiyo ang kapayapaan, matupad mo pa sana ang iyong mga pangarap at ninanais sa iyong buhay. Mahanap mo rin ang iyong sariling Juanito Alfonso na amin ding pinapangarap yieee! (Pahinge shanghai inay sa future hahaha) Magkaroon ka sana ng malusog na kalusugan maski ang iyong pamilya. Kung ikaw man ay dumaan sa mga pagsubok ay lagi mo pong tandaan na kasama mo ang Diyos at lagi ka niyang tutulungan. Nandito rin kaming mga anak mong sunshine's na handa ring magbigay sa'yo ng sinag ng ngiti at ligaya. Marami pa akong nais sabihin ngunit hanggang dito na lang muna, hanggang sa susunod na mga akda na aming iiyakan at pagkukunan ng inspirasyon at kabanata pa ng paglalakbay na ika'y aming makakasama. Lagi't lagi ka naming susuportahan. Sinisinag ka namin Inay!

Sincerely yours,
Ateymo_IxchieMae

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon