Binibining Mia,
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil walang salita na makakalarawan kung gaano ako kasaya na nakilala ko at nabasa ang mga gawa ng isang magaling na manunulat na tulad mo. Palagi ko itong sinasabi pero isa ka talaga sa mga inspirasyon ko kung bakit ipinagpapatuloy ko ang pagsusulat. Sa tuwing nababasa ko ang mga plot twist o kakaibang kaganapan sa mga gawa mo ay lumalabas na lang din yung mga salitang nais kong sabihin sa sarili kong mga akda. Ikaw yung dahilan kung bakit kahit walang nagbabasa ng mga gawa ko ay nagpapatuloy pa rin ako dahil naniniwala ako na balang araw, tulad mo, ay may magmamahal din ng mga isinulat ko katulad ng kung paano namin mahalin ang mga akda mo.
Dahil sayo ay nais ko ring mapag-aralan o matutunan kung papaano gumawa ng mga historical fiction stories. Balang araw din, kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto kitang maka-collaborate sa kahit isang kwento. Alam kong parang mahirap pero naniniwala ako na hindi siya imposible.
Isa pa sa ipinagpapasalamat ko ay dahil sa pagiging follower mo ay nakilala ko ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan ngayon. Malayo man kami sa isa't isa o magkaiba sa napakaraming aspekto, kami ay pinag-iisa ng iyong mga akda.
Ngayong kaarawan mo, hiling ko lang na sana ay mas marami ka pang ma-inspire na taong kagaya ko. Hiling ko rin na maabot mo pa ang mga pangarap mo, kung mayroon ka pang hindi naabot. Hiling ko rin ang iyong walang hanggang kasiyahan at na sana ay masaya ka rin ngayong oras na 'to.
Kasama ng liham na ito ay ang isang tanka na aking isinulat upang ikaw ay ihalintulad sa isa sa pinakamagandang bulaklak na nakita ko. Sana ay magustuhan mo.Sinisinag kita, Inay Mia. Maligayang kaarawan 💛
Mirasol
Isang bulaklak
Na singganda ng araw
Hatid ay saya
Tulad ng manlilikha
Na nagngangalang MiaSincerely yours,
arianna_sognatore12
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...