Liham #12

37 6 0
                                    

Pagbati Inay Mia, 

          Maligayang Kaarawan Inay, nais ko po na magpasamat sa'yo at sa iyong mga akda. Naalala ko pa noon hindi ko pa alam na ikaw pala ang may akda ng 'MY STALKER IS A WHITE LADY' natapos ko si'ya maging ang Book 2 na Hindi ko manlang nalaman noon na ikaw ang may akda nakakatuwa, nakakagulat at nakakamangha man pero iyon unang istorya na nabasa ko sa iyo, natatandaan ko pa na sa free basic pa ako nagbabasa ng wattpad hanggang sa na diskubre ko ang istorya na 'I LOVE YOU SINCE 1892' kase gusto ko na maiba naman Kaya naisipan ko noon na sa genre Historical at dahil ang ILYS1892 ang nangunguna sa Rank, Rank 1 sa Historical Fiction (genre) dahil sa kuryusidad agad ko itong binuksan at binasa Ika-1 ng Mayo taong dalawáng libo't labing-pito. (May 1, 2017) ang hindi ko makakalimutan Kung kailan ko b inasa ang akdang ILYS1892 at dahilan kung bakit doon ko nalaman na ikaw ang may akda ng MSIAWL at simula noon ako'y iyong naging lihim na taga subaybay na mambabasa at nagtuloy-tuloy na hanggang ngayon. Hinanap ko ay iyong pangalan sa Mukhang libro (Facebook) at Hindi naman ako nahirapan mahanap naalala ko pa noon na 'Catapangs' pa ang iyong tawag sa Iyong mga mambabasa bago ang ngalang 'Sunshines'. Ako ay nag padala sa iyo ng pakikipag Kaibigan ( Friend request) pero palaging nawawala (cancel) pero patuloy parin ako sa pagpapadala umabot man ng ilang taon bago Tayo maging magkaibagan sa Mukhang libro (Facebook) nagulat ako noon Ika - 30 ng Setyembre taong dalawang libo't dalawáng pu't dalawa na nakita ang iyong pagtanggap sa akin ( Friend request) na halos mangisay ako sa kilig, at kaba dahil hindi parin ako makapaniwala na ang isa sa paborito ko na manunulat naging Kaibigan ko na sa Mukhang libro (Facebook). Mula sa Iyong akdang My Stalker is a white lady nakikita ko Inay ang iyong pagpapabuti (Improvement), talento at habang patagal ng patagal ang iyong mga akda ay mas lalong gumaganda. 

            Maraming salamat po Inay dahil sa'yo maraming mga mambabasa lalo na ang kabataan ang mas binibigyan pansin ang ating kultura maging ang ating nakaraan. Ikaw at ang iyong mga akda ay isa sa mga nagbigay buhay sa ating kultura at nakaraan na dapat natin na pahalagahan at mahalin. Maraming salamat din po dahil sa iyo, sa iyong mga akda marami akong nakilala na mga Kaibigan na Sunshines. Nawa'y huwag mo po alisin ang ngiti sa iyong mga labi sapagkat iyon po ang isa sa dahilan kung bakit patuloy na nagniningning ang mga munting Sunshines dahil ikaw at ang iyong mga akda at isa na nagsisilbing liwanag sa amin. 

        Je t'aime... ich liebe dich... te amo, tatlong magkakaibang lenggwahe pero iisa lang ang ibig sabihin nito... Mahal ka namin Inay Mia.💛🌻 

Sincerely yours,
Binibini_bianca

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon