Mahal kong Binibining Mia,
Maligayang kaarawan, Binibining Mia. Labis kong ikinagagalak na makilala ka sa pamamagitan ng iyong mga isinulat na akda. Masasabi ko pong marami akong natutunan sa inyo na mga aral ng buhay at namulat mo po ang aking kaisipan sa larangan ng history. Sobrang hinahangaan ko po ang inyong dedikasyon sa larangan ng pagsulat, pero bukod pa po doon, labis ko kayong hinahangaan sa pagiging kayo. Kung totoo nga lang po ang reincarnation, hihilingin ko na sana maging ate po kita. Nakikita ko po kasi kayo as sweet, caring, and charming person. Ang inyo pong existence ay isang biyaya para sa aming Sunshines. Inay, nais ko pong sabihin na super proud po ako sa inyo. At kahit anong mangyari, patuloy ko po kayong susuportahan at ang inyong mga akda. Sinisinag kita, Inay. 💛
Sincerely yours,
louyieee
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Não FicçãoHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...