Mahal kong Inay Mia,
Magandang araw sa iyo, inang! Maligayang kaarawan po sa inyo. Nawa'y kayo ay laging malusog at nasa maayos na kalagayan. Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa pagbabahagi ng inyong kuwento. Nawa'y hindi kayo magsasawang magsulat ng mga kuwentong may hango sa ating kasaysayan dahil maraming kabataan ngayon ay hindi interesado sa asignaturang iyan. Isa pa, dahil sa iyong mga akda tila nararanasan namin kung ano nga ba ang mga bagay na nagaganap sa panahong iyon.Dahil na rin sa genre na inyong sinusulat na historical fiction ay naging mambabasa niyo po ako simula 2018. Ang unang binasa ko sa mga akda mo ay ang ILYS1892 at kung hindi dahil sa kaklase ko na mahilig magbasa ng mga kuwento sa wattpad, mahilig din siya sa mga kuwentong may kaugnayan sa kasaysayan. Kaya nga napukaw ang aking atensyon at sinubukang basahin ang iyong akda hanggang sa nagtuloy-tuloy. Maraming salamat, Binibining Mia. 😊
Sincerely yours,
santificielo-Blessie
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Não FicçãoHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...