Liham #54

16 3 0
                                    

Mahal kong Inay Mia, 

      Pagbati sa'yo Inay Mia ng Maligayang Kaarawan. :)

       Gagamitin ko na po ang oportunidad na ito upang magpasalamat sa iyo sa pagbibigay ng inspirasyon at pagpapahalaga sa ating kasaysayan. Noon, hindi ko hilig malaman o nais alamin ang mga bagay na patungkol sa atin. Mas hilig ko po noon ang pagtuklas o pagbasa sa kasaysayan ng iba o anumang naglalarawan sa kanilang nakaraan. 

          Hanggang sa taong 2017 buwan ng Disyembre. Hindi ko na matandaan ang eksaktong araw na magsimula akong magbasa ng iyong mga akda. Tanda ko pa noon, kung ano ang nararamdaman ni Carmela tuwing nagsisimula ang klase niya sa Phil. History, ganoon din ang aking nararamdaman ng simulan ko ang akdang I Love You Since 1892. Nais ko nang sukuan, mabuti na lamang hindi ko ito ginawa. Ito na pala ang simula ng pagmamahal ko sa iyong mga akda kasabay din ng pagmamahal ko sa ating kasaysayan. 

         Sa iyo at iyong mga akda ang naging inspirasyon ko na nagnanais magturo ng Kasaysayan ng Pilipinas. Ngayon, kasalakuyan akong nagtuturo ng Araling Panlipunan sa elementarya at kasalukuyang nag-aaral din ng mayorya sa Social Studies sa aking masters degree. Fine-flex ko talaga sa aking interbyu noon kung ano ba ang dahilan bakit ito ang nais kong ituro. Buong pagmamalaki kong lagi at laging babanggitin ito sa ibang tao dahil malaking bahagi po kayo sa mga bagay na nais kong tahakin sa hinaharap. 

          Hinihiling kong nawa'y patuloy po kayong pagpalain ng ating Maykapal at patuloy niya po kayong gabayan at ingatan sa mga susunod na araw at taon. Hangad din po namin na maging malusog ang iyong kalusugan at ilayo sa mga pangambang panganib at sakit. Palagi po kaming nandirito, patuloy na sumusuporta ano man po ang iyong mga magiging desisyon. :)

            Muli, Maraming maraming salamat po Binibining Mia at Maligayang Kaarawan. :) 💙

Sincerely yours,
Sim_Mang

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon