Inay / Ate / Binibining Mia,
Binabati po kita ng Maligayang Kaarawan! Sa bawat taong naidaragdag sa iyong buhay ay nadaragdagan din ang taong kasama ka namin at lubos kaming nagpapasalamat doon-gaya nga ng sinasabi nila na "growing older with BMS". Kay bilis tumakbo't lumipas ng oras simula nang makilala ka ng lahat. Pero ikaw at ang iyong mga nobela ay hindi nagbabago. Deserve mo po ang lahat ng iyong natatanggap na biyaya, may mga paparating pa.
Palaging kong/naming hangad na nawa'y matamo mo ang mga ninanais ng iyong puso. Lagi't lagi kaming nasa iyong likuran upang suportahan ka sa bawat landas na iyong pipiliin at tatahakin, Inay. Kung wala ka, wala rin kami. Dalangin at laman ng aming puso ang mga mabubuti't magagandang bagay para sa iyo. Pagpalain ka nawa ng Diyos. Maligayang kaarawan muli, Inay Mia! Sinisinag kita!
Sincerely yours,
starbesidethemoon
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...