Liham #36

20 3 0
                                    

Mahal kong Inay Mia,

         Maligayang kaarawan, inay Mia! 

         Ilang buwan na pong hindi ako nakapagbasa ng iyong mga akda ngunit nagpapasalamat po ako dahil sa bawat aspeto ng aking buhay ay dala ko ang iyong mga payo at mga aral na nakuha mula sa iyong mga akda. Gusto kong malaman mo po na kahit minsan na lang ako makapaglaan ng oras, patuloy pa rin akong nagsusuporta sa iyo at humahanga sa iyong taglay na galing. Paminsan-minsan binabalikan ko ang mga alaala sa mga kaganapan sa bms, kagaya ng twitter parties, kumu lives, at iba pa. Nagpapasalamat po ako, inay, na meron pong ikaw sa mundong 'to sapagkat may nakikilala po akong mga tao na nagpapangiti sa'kin at may nakilala po akong mga karakter na patuloy sa pagbibigay ng inspirasyon sa aking buhay. Nagpapasalamat po ako sa nasa itaas na merong ikaw na nagbibigay liwanag at gaan sa aking buhay dahil sa iyong mga akda at dahil na rin sa iyong mga gabay sa amin, mga sunshines. Sinisinag po kita, inay! 💛 

Sincerely yours,
csia_xoxo - Shang

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon