Handog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous).
Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...
Magandang araw Inay Mia! Ako po si Quin o mas kilala niyo po ako as peekabluh na palaging gumagawa ng obra galing sa iyong nobela. Noong tayo ay nagkita, ipinakilala ko po ang aking sarili sa isa ko pong pangalan pero nalaman ko na may kapangalan ako na sunshine. Ayaw ko po kayo magtaka kaya mas gusto ko pong tawagin Quin. Una sa lahat, salamat x100. Kayo po ang aking paboritong manunulat at palaging nagbibigay aliw, saya, kilig, nakababaliw, at nakalulungkot na nobela. Kapag mayroon akong problema at nabasa ko ang iyong nobela nakalilimutan ko na agad. Masasabi ko po na ikaw ang aking savior inay. Minsan gusto ko tumakas sa mundong ito at makapunta sa iyong nobela. Kung totoo lang ang mahiwagang nilalang, hindi ako magdadalawang isip na sumama sa kanya. Halos araw-araw ko iniisip iyon. Noong sinimulan ko gumawa ng digital art, noong una ay hindi ko alam paano dahil mahirap sa una gumuhit ng digital. Ang gusto ko ang una ko iguguhit ay nanggaling sa iyong nobela. Nagsimula ako gumuhit dahil gusto ko makalimutan ang mga problema. Iniisip ko lang lahat ng iyong storya bigla na lang nawawala ang problema ko at biglang ngingiti. MALIGAYANG KAARAWAN INAY MIA! <3. You are my savior at hindi lang sa akin alam ko maraming tao na nailigtas mo. Ako si Quin, at pagpapatuloy parin ang aking suporta sa iyo. Hinding-hindi ako titigil sa pagsuporta at ang mga kapwa ko sunshines. Nawa'y ang iyong araw ay tumatak sa iyong isipan na special ang araw na ito dahil maraming taong nag ce-celebrate. Tanggapin nyo po ang aking regalo. Isang obra lang ito pero ipapasa ko na ang aking unang obra. Sa araw ng iyong kaarawan, higit pa sa isa ang aking obra na ibibigay ko po sa iyo. Je t'aime, ichi liebe dich, te amo, I love you, at mahal kita! Ipinapangako ko na magkikita tayo muli. SALAMAT NG MARAMI.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.