Mahal kong Binibining Mia,
Magandang araw po sa iyo! Bago ang lahat, nais kitang batiin ng isang Maligayang ika-26 na Kaarawan Binibining Mia!
Sa ilang taon na aking paghanga at pagsuporta sa iyo, nais kong sabihin at magpasalamat sa iyo na isa ka sa nga taong tinitingala at nagbibigay ng inspirasyon sa akin. Ang iyong mga likhang akda ang aking nagiging sandalan sa tuwing nakararanas ako ng kalungkutan. Sa katunayan po, isa ka sa mga cinonsider kong factor para mag-shift ng course mula Bachelor of Elementary Education tungo sa Bachelor of Science in Psychology. Super inspired po talaga ako hindi lamang sa mga nagagawa mo sa wattpad world bagkus pinatunayan mo po na isa kang tunay na kahanga-hangang Binibini sa iba pang larangan.
Ngayong ako po ay isa sa mga bagong Moderator mula sa BMSL, pinapangako ko po na mas lalo ko pang pagtitibayin ang aking pagsuporta sa iyo. Muli po, Maligayang Kaarawan Binibining Mia!
Sincerely yours,
BlueAcor - Ace York Matienzo
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...