Dear Binibining Mia,
Lumipas na ang ilang taon simula nang ma-inganyo ako na magbasa ng iyong mga akda, hindi ko akalain na maipagpapatuloy ko ang pagbabasa kahit hindi naman ako mahilig magbasa. Gusto ko po na magpasalamat sa inyo dahil sa mga aral na itinuran niyo sa akin, nang dahil sa inyo ay nagbago ang pagtingin ko sa iba't-ibang bagay tulad ng kung paano mo dapat pahalagahan ang nakaraan, pag-ibig, pamilya, kaibigan at iba pa. Marami akong natutunan sa mga kwento na binuo niyo at hindi ko iyon kakalimutan. Kayo po ang aking nagiging inspiration para makabuo ng isang nobela at kwento hindi ko pa man ito natatapos pero nais ko na maibahagi ko rin ito sa iba. Nais kong maging katulad niyo na nakapagbibigay ng aral at inspiration sa iba na hindi nabibigyan ng liwanag, nais ko rin na maging isang ilaw na sapat na pagliwanagin ang ilang tao na nasa dilim.
Mabuhay ka Bb. Mia taas noo kitang nirerespeto dahil sa angkin mong talento!
Sincerely yours,
i_rich_tabs - Irich Tablizo
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Não FicçãoHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...