Liham #9

54 8 1
                                    

Para sa Binibining aking hinahangaan, 

          Paano ko po ba uumpisahan? Unang beses ko pa lamang sumulat sa isang taong aking hinahangaan. Inay, nais kong batiin ka ng Maligayang Kaarawan at maraming salamat sa iyong mga akdang isinulat na aking ginagawang gabay sa aking buhay. Naalala ko nang imungkahi sa akin ng aking kapatid ang iyong akda na ILYS1892. Napansin niya kasi na mahilig akong magbasa ng mga historical fiction at mga ilang aklat na may kinalaman sa kasaysayan. Hindi ko alam na ikaw po pala ang magbubukas ng pinto sa aking pangarap. Ngayon ay aking tinatahak ang kursong Edukasyon na medyor sa Filipino. Batid kong ito ang hilig ko, nakatulong pa po ang iyong mga akda na hindi lamang naglalaman ng aral sa pag-ibig, maging aral din ng buhay. Sa tuwing ako'y nalulungkot, ayaw kumausap ng tao, pinanghihinaan ng loob, nakikinig lamang po ako ng inyong spotify podcast na 'Mga Liham ni Mia' o hindi kaya'y ang iyong mga akdang isinulat. Gumagaan po ang aking pakiramdam doon, kaya nagpapasalamat po ako sa inyo dahil hindi lamang po kayo sumusulat para sa inyong sarili kundi maging sa aming mga Sunshines din. 

        Hangad ko po ang inyong mga tagumpay na mararating pa sa mga susunod na taon. Muli, Maligayang Kaarawan, Inay Mia. Maraming salamat sa liwanag na inyong dala < 333

Sincerely yours,
dorumdorum

Binibining Puno ng Pag-asa
Isinulat ni Binibining Cheesecake

Sa pagbasa sa mga titik na nakatipa,
Ako'y nahalina sa napakagandang obra maestra
Sa paglipat ng bawat pahina, isang panibagong kabanata
Kabanata na magdadala sa akin sa buhay na mapayapa

Ngunit bakit namumugto ang aking mga mata?
Ito ba'y dala ng lungkot o kasibakan na mabasa ang iyong akda?
Kung ganoon, nais ko sanang mabasa ang ganitong uri ng babasahin
Na isinulat ng isang Binibining may matamis na mga ngiti

Ako'y sabik, sabik na mabasa ang iyong gawa
Kaya'y nais kong puriin ka
Sa panibagong yugto ng iyong buhay
Inay, maraming salamat sa iyong payo't pagdamay

Hindi mo man alam kung paano mo ako tinulungan,
Sa iyong mga akdang naglalaman ng kabiguan
Ako'y may natutuhan, dapat na tumindig sa aking katauhan
Kaya't Binibini, Maligayang Kaarawan! 

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon