Mahal kong Inay Mia,
Maligayang Kaarawan, Inay Mia!
Aking lubos na ipinapasalamat ang araw na ito sapagkat ang iyong mga magulang ay nagsilang ng isang mapagmahal, talentado at napakabait na dilag. Nang dahil sa iyo Inay nabigyang kulay ang aking mundo. Ang boring highschool life ko noon ay nabigyang sigla dahil sa iyong mga kuwento, ngayong college na ako ay ganoon pa rin ang epekto.Sa pagtungtong ko sa college ay isa ka sa nagbigay saya sa akin sa mga araw na pakiramdam ko ay sobrang bigat ng lahat. T'wing may gmeet na ginaganap ang BMS ay hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa t'wing ako ay iyong mapapansin. Ikaw ang isa sa aking serotonin booster.
Inay, panibagong taon na naman ang ibinigay sa iyo, nawa'y piliin mong maging masaya at maging panatag ang iyong puso. Ngunit kung may mga araw man na sobrang bigat ng iyong dinadala nawa'y parati mong maalala na mayroon kang libo-libong sinags na handang maglahad ng kamay upang tulungan ka.Ako at ibang mga sinags ay parating nandito sa iyong tabi. Kami'y handang pumalakpak sa lahat ng tagumpay na iyong tinatamasa. Maligayang Kaarawan, Inay! Nawa'y masaya ang iyong puso sa araw na 'to. 🩷
Sincerely yours,
ladysubstandard - Sunsai
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...