Mahal kong Inay Mia,
Hi, inay, maligayang kaarawan po. Gusto kong ipabatid sa iyo na mahal na mahal kita, sobrang hinahangaan kita at ang iyong mga akda. Mula taong 2018 ay sinusubaybayan ko na ang mga updates mo. Minahal ko ang nakaraan dahil sa iyo. Inay, ikaw at iyong mga salita ang siyang nagligtas sa akin sa kalungkutan, oo nga't masakit ang iyong akda, ngunit kaakibat nito ang ganda at pag-ibig. Inay, nais kitang pasalamatan sa iyong pagsusulat. Mahal kita mula taong 2018, mas mamahalin pa kita sa susunod na mga taon. Maligayang kaarawan, inay. Ika'y aking sinisinag.
Sincerely yours,
ItsfayeeeryIka'y aking mirasol sa hardin,
Ngiti'y kasing liwanag ng bituin,
Sa iyong matang nagniningning,
Ikaw na ang siyang pinakamagandang sining.Ikaw ang ritmo sa piyano,
Ang sagot sa bawat paano,
Ang unang bilang sa numero,
Tayo'y pinagtagpo, hindi gaya ng asimptotiko.Ang salamisim na nagbibigay ng pag-ibig,
Iyong pag-ibig ay pinakamalambing na himig,
Sa'yo at sa'yo uuwi, aking binibini.
Mahal kita mula taong dalawáng libó't labíng-waló.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
SaggisticaHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...