Dear Inay,
Maligayang kaarawan Inay! Nawa'y ikaw ay nabubusog ngayon sa handa at pagmamahal mula sa iyong pamilya, kaibigan, at Sunshines. Limang taon na mula nang naging tagahanga at masugid na mambabasa ako ng iyong mga akda. Sa limang taon na iyon ay nadala ako ng iyong mga kwento sa iba't ibang lugar at nabuhay sa iba't ibang mga katauhan, natuto sa mga aral na iyong nais ipahayag, at nakilala ko rin ang aking kapwa Sunshines at bumuo ng mga masasayang alaala kasama ka. Dahil sa iyo ay mas minahal ko ang pagbabasa. Alam kong busy ka sa buhay kung kaya't hindi ka gaanong kaaktibo sa Twitter o sa Wattpad, ngunit kahit ganoon pa man ay nandito pa rin ako sumusuporta sa iyo.
Nagpapasalamat ako dahil hindi mo tinago ang talento mo sa pagsusulat kung kaya't maraming Sunshines ang nahawa na rin at ipinamalas ang kanilang mga talento sa pag-awit, pagsusulat, pagguhit, at marami pang iba. Nawa'y magpatuloy kang maging inspirasyon para sa mga kabataan.
Muli, maligayang kaarawan at sana'y magkita tayo sa mga booksigning at meet and greet mo sa hinaharap. Sinisinag kita so much <333
Sincerely yours,
ChanRichelleA - Elle
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...
