Liham #8

51 8 1
                                    

Mahal naming Inay Mia, 

         Sa totoo lang hindi ko alam kung saan at paano ko ito sisimulan subalit gusto ko lamang ipabatid sa pamamagitan ng liham na ito na ako'y lubos na nagpapasalamat sa iyo sa lahat ng mga aral at pagmamahal na natanggap at napulot ko mula sa iyong mga akda, pati na rin sa pamamagitan mo bilang isang may-akda. Dahil sa iyong mga akda na nilikha ay marami akong mga bagay na napagtanto, lalong-lalo na ang napakaraming mga aral na mapupulot sa mga ito. Dahil sa iyong mga akda ay mas nabibigyan ko ng halaga at pagmamahal ang ating kultura at kasaysayan, pati na rin ang pagmamahal sa sarili nating wika. Mas naging interesado ako sa mga lugar na may kinalaman sa kasaysayan. Sa pamamagitan mo rin bilang isang may-akda, ang pagmamahal at paghanga ko sa'yo at sa iyong mga obra ay hindi ko inaasahang makakatagpo ako ng mga kaibigan na maituturing na rin bilang isang pamilya—ang mga kapwa ko Sinags/Sunshines, lalong-lalo na ang mga VisMin Shines. 

          Bago ko tapusin ang liham na ito ay gusto muna kitang batiin. "Maligayang-maligayang Kaarawan Binibining Mia!" The UndeniablyGorgeous of Sunshines. Nawa'y nasa mabuting kalagayan ka lagi at nawa'y marami ka pang maisulat na mga akdang tiyak na mapupulutan ng napakaraming mga aral, kilig at pighati. Chos! May God bless you always, Inay. Fighting! Sinisinag ka namin. Muli, maligayang kaarawan sa'yo (sending yellow hearts💛 and sunflowers🌻). 

 Sincerely yours, 
Galaxymra - Symra (Galaxymra)

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon