Kay Mia
by yoensley
Walang papantay sa pag-irog,
Sa baya't kasaysayang humuhubog,
Nobelang puspos ng liyag at pagsubok,
Tiyak na tatangis ka ng mga bubog.
Binibining taglay ang dunong,
Salita'y naglalaman ng pagsulong,
Ng pakikibaka, katarungan, at pag-irog,
Timyas ng pluma niya'y sa atin ibinubulong.
Ikaw ang mutyang tinatangi,
Ng mga mambabasang pinipintakasi,
Ngalan mo'y walang patid na ipagbubunyi,
Perlas ng bayan sa kasaysaya't luwalhati.
Magiting ang 'yong kamay sa paglikha,
Ng mga karakter na ibig ng madla,
Isang karangalan ang makilala ka,
At masaksihan ang nilalaman ng 'yong akda.
Kaya'y maligayang kaarawan muli, binibini
Ikaw ang saniatang kumakandili,
Sinag ng mga mirasol, ikaw ang nagpapanatili,
Buong ligaya kaming makikibahagi.
Je t'aime, ich liebe dich, te amo,
Walang wikang makakahigit sa tamang pagtrato,
Kumikislap sa'ming mata ang totoo,
Babaunin ang aral na inihahayag mo.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
NonfiksiHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...
